LAHAT NG TAO MAY ITINATAGO, NGUNIT ITO'Y GUSTONG KUMAWALA SA ATIN. MGA SIGAW NA HINDI NARIRINIG, MGA TAKOT NA DI NAKIKITA, MGA PANAHON KUNG SAAN TAYO AY MASAYA AT TAYO AY MALUNGKOT.

31.1.10

DUI.




Driving along Aurora blvd. under the influence of alcohol and trying to overtake a trailer truck is not a good idea, masyadong malaki ang truck para i-overtake at masyadong maliit ang kalsada para ipagsiksikan ang kotse. That's why you have a driver, to drive you home safely without any mishaps along the way. It is good that you're able to maneuver the car before it hit anything or anyone, although sumabog yung gulong mo at nasira yung mags at kailangan pa ipa-vulcanize ang spare tire somewhere in project 4 at mahirap maghanap ng 24hrs na vulcanizing shop ah.

Hay. Ayaw ko na nga ipilit na mag-drive ng sasakyan, lagi na lang may nangyayaring kabalbalan kapag ako ang nagdadala nun. Parang ayaw sa akin nung kotseng yun, kung hindi ako natitirikan, nawawalan ng andar yung makina, naliligaw, at kung anu-ano pang pangyayaring maari mo nang maisip, parang nangyari na sa akin, and the latest, kamuntik na ako makabangga!

Charge it in experience, but next time, be more cautious while driving and be more aware of anything that's happening around you. Or better yet, don't drive kaya ka nagdala ng driver!

What a lovely way of ending the first month of 2010. Grabe.

22.1.10

Mascot.

Ang tao ba sa loob ng mascot, kapag nagpakuha ka ng litrato kasama siya, nakangiti rin kaya siya?  O hindi dahil sa sobrang pagod at bigat ng suot niya?

Ang tao ba na nagpapakuha ng litrato kasama ang mascot ay masaya? O sa kabila ng kanyang pilit na pag-ngiti ay nagtatago ang isang malungkot na pagkatao?


O 'di kaya'y depende din ito sa kanilang pananaw sa buhay?


-------------------------------------

Sa kabila ng kanyang mga ngiti,
ay nagtatago ang isang alaalang
nagbibigay ng pait sa kanyang mga labi.

Sa kabila ng pait ng alaala ay
isang taong nagbigay sigla at kulay
sa kanyang buhay.

Sa kabila ng pagtatago
sa isang pagkataong hindi kanya,
ay isang taong nangangarap.

Sa kabila ng bigat na pasan,
ay isang pag-asang magbibigay
ng ngiti sa kanyang mga labi.

16.1.10

Unexpected.

'Di ko na-foresee na mangyayari sa amin yun'

I just have to share this conversation over some gin-pom, datung puti or I don't know what it is called. We are arguing about someone who had a break-up with his girlfriend.

'Kung kami talaga, kami talaga hanggang huli...'

That was what he said, but then again, someone had a 'theory' about this. What he said was, if you think that way, then it is okay for you to play around 'cause in the end, you'll end up to be with her. And it is okay because you are confident enough that she will just understand what you had done wrong.

-------------------------------------------

Minsan talaga, sa sobrang paniniwala natin sa pagmamahal o kahit sa anumang bagay, di na natin nakikita kung ano ang tama at ano ang mali, ang nakikita natin ay kung ano ang gusto nating gawin sa kasalukuyan at di natin nakikita ang magiging epekto nito sa huli. Ika nga nila, "nasa huli ang pagsisisi", gasgas man na kasabihan ngunit ito pa rin ang sasabihin at sasabihin ng kung sinuman ang nagsisi sa mga bagay-bagay na kanyang nagawa na nila. Magsisi ka man, ay halos wala ka na mgagawa dito, ang maari na lamang ay ito'y buuin uli. Ngunit di na ito magiging katulad ng dati. Mayroon ng 'caution' sa bawat kilos at galaw mo. Di na buo ang pagtitiwala mo sa isang taong minsan ay nagawa kang lokohin o pagtaksilan. Masarap isipin na sa kabila ng kalokohang ginawa mo ay tinanggap ka pang muli na iyong minamahal, ngunit masakit isipin na sa bawat kilos at galaw mo ay may mga matang sumusunod dito upang pagsabihan ka at ipaalala ang anumang sakit na idinulot nito. Para bang bilanggo ka na sa iyong nagawang kulungan. Ang kulungan kung saan bawat kilos at galaw ay minamasid. Na sa bawat kilos mo ay may katumbas na puntos upang matanggap kang muli.

Kung mahal mo ang isang tao, magagawa mo bang magsinungaling at pagtaksilan siya? Magagawa mo bang lahat ng kanyang pagsusumamo ay iyong gagawin? O magagawa mo bang tanggihan ang kung ano mang bagay na kanyang hinahangad at iparating sa kanya na di sa lahat ng panahon ay maari mong makuha ang gusto mo?

Sa laro ba ng pagibig, kailangan ay isang team kayo upang mabuo ang isang stratehiya kung saan kayo ay magwawagi? O ang kailangan mo ay ang isang taong naniniwala sa iyong  kakayahan?

14.1.10

Late.

NOON (School)

7:30 earliest schedule. plus 15 minutes 'grace' period (depends on how long the subject will be)
------------------------------------
6:00 Check Phone. 5 mins.

6:10 Wake up. Have to finish some works.

6:20 Done with works.

6:30 Eat. Fix myself.

6:45 Get out of the house.

6:50 LRT 2 Anonas Station.

7:15 LRT 2 Legarda Station. Pedicab.

7:20 P.Noval, Beato. / Lacson, Eng. Bldg. Late.

7:30 Start of class.

Buti na lang at di ako na-FA (failure due to absences) at naka-graduate ako in time.
Talagang sakto lang ako sa oras, o di kaya ay late talaga ako. Pinipilit kong baguhin.



NGAYON (Work)

8:30 - start of work. plus 15 minutes 'grace' period.
-----------------------------------------
7:00 Check the cellphone. Maaga pa. 15mins.

7:30 Wait. Additional 5mins.

7:45 Wake up! Wake up! Too sleepy.

8:00 wake up. fix myself.

8:30 drink milo. get out of the house.

8:45 LRT 2 Anonas Station.

8:50 MRT 3 Araneta-Cubao Station.

9:20 MRT3 Ayala Ave. Station.

9:40 Sign-in. Work. Late. Bawas sweldo.

Salamat na lang at wala pa ako memo, good-luck sa evaluation.
Tulog mantika. Di uubra ang alarm ng cellphone. Di din uubra ang panggigising ng magulang. wala din kwenta ang text o tawag. Basta kapag kumakanta na ang subconscious mind ko, time to wake up. Weird ba? Parang may sariling playlist ang utak ko, kusa na lang may maiisip na song for the day, yun na ang alarm ko para gumising.

Wake me up.

7.1.10

Time.

How come you don't make time for me anymore
That's the last thing she said to you
And now when you call she don't answer anymore
Or the line is busy and you can't get through

Time (Ne-Yo)

________________________________________________


Can we just buy some time to finish what has to be done?

Or we just have to let it pass through and deal with it?

And isn't it unfair for the one who is battling with time?

________________________________________________

Kung pwede lang naman talagang bilin ang oras, ginawa ko na, kahit mamumulubi na ako.
Pero hindi eh, kaya kailangan kong harapin ang magiging resulta nito.

3.1.10

Cookies.

I already knew what would happen after he gave me the last piece of oatmeal raisin cookie, yet I decided to stay. I was wondering , what will happen next? Will he be able to talk about 'us'? Can we resolve our problems? The conflict between us? These are the questions running on my mind. He utter some words, I couldn't understand.

I was like one of the character in a drama series, I am the girl who truly loves him, but he, on the other hand doesn't. It was a roller coaster ride between the two of us. But between what he was saying and what was worrying me, only some words caught up my attention, 'I love you, but...',

I bite the last oatmeal raisin cookie that he gave me, now, I was the one who is watching a movie or a drama series. I was like, what? what if? what will he say after the but? what will happen next? so many questions, only him could answer.

He then continued, 'I love you but, I was in love with somebody...'.

At first, I was shocked, but then again, I thought of a typical movie, he loves somebody else, better than me, and then he continued.

'...and he was a guy."

And right there and then, the oatmeal raisin cookie that he gave me fell on the floor. I cannot utter a single word, I couldn't even react, I was shocked.

The guy whom that I loved more than my life, love someone, not a girl, but a guy. I stand where I am sitting, saying no words on my mouth, I left him and inch by inch I walked away.

----------------------------------------------------------------------------

An entrance exam entry for a literary org. They provided the first and last sentence and it is up to you on what will happen to the story.

2.1.10

Me.


This is a representation of me.


Boy, ilang taon ka na?
Sigurado kang college ka na? Mukha ka kasing highschool student eh.
Talaga? Graduate ka na? Parang kailan lang ah.
Bouncer sa bar: (Lumapit sa pwesto namin) Bakit may minor dito?
Bouncer sa bar: (magkaibang bar) Ilang taon ka na?

I'd like to take those comments above as a compliment. Pero minsan, mahirap din talaga. Mukha talaga akong totoy, kahit na magpatubo pa ako ng goatee, minsan wala talagang sumeseryoso sa akin. Sa tindig ko pa naman, di maiiwasang mapagkamalan akong totoy, minsan nakakainis, minsan okay lang, minsan masaya, lalo na't nakakakuha ka ng freebies at discount o kung anu man sa kung saan dahil mukha ka pang college student, at sa linya ng trabaho ko, di talaga pormal ang mga tao kahit sa pananamit.

Pero minsan, may mga bagay-bagay na nalulusutan ko dahil sa pagiging 'totoy' ko. Mas malalaki/matatangkad pa nga yung mga kapatid ko, kahit na ako yung panganay, badtrip pag sabay-sabay kami lalabas ng bahay.

Pag nakita niyo ko sa daan, na halos ganyan yung itsura, malamang ako yun. Diyan lang ako sa tabi-tabi, makikita kung saan-saan. Minsan masaya, minsan masungit (lalo na pag gutom), minsan suplado (most of the time). Makikita niyo ko na may dala-dalang backpack na walang laman kundi jacket at wallet.

See you when I see you.

1.1.10

Twenty-Ten.

A fresh new start of old ways?

Sa napansin ko, walang masyadong putukang nangyari sa pagsapit ng taong twenty-ten (o baka dito lang sa lugar namin). Usually pagdating ng bagong taon, dito sa itaas ng bahay namin, puro usok na lang ang makikita't malalanghap mo, pero 'di nangyari ang inaasahan ko, walang masyadong ka-boom, walang masyadong boom boom boom, walang masyadong zzzzzoooooooooommmmm-----boooomm!, at higit sa lahat, di ko na masyadong makita ang magagandang fireworks display mula sa araneta, sa eastwood, sa marikina, at sa kung saan pang lupalop, dahil may nakaharang na, yung mga bahay-bahay dito sa lugar namin nagsi-taasan sila. Anyway, year of the metal tiger na, wala lang, gusto ko lang sabihin.

Sa tingin ko, bagong simula na talaga, nagbabagong buhay na ang mga tao. Teka, di pa pala, dahil yung kapitbahay namin, bagong taon na bagong taon, ayun, nakikipagaway sa asawa niya, ang lakas ng boses, di tuloy makatulog mga tao dito sa amin.

A fresh new start of old habits?

Isa sa mga habit ko eh magbasa ng mga blogs, gadget blogs, personal blogs, at kung ano pang pwedeng basahin at mga pwedeng ma-click na mga links, kahit na nga minsan ay inaantok na ako at pagod dahil sa OT=Ty (but still happy 'cause of foods!) na work, di ko pa rin maiwasang di humarap sa tapat ng monitor at magbasa pagkauwi ko sa bahay.

Masaya kasi magbasa ng mga blogs, dito, nakakapulot ka ng mahahalagang aral, nakakapag-share ka ng ideas, nakakapag-komento ka, nailalabas mo ang kung ano mang damdamin/dinadamdam mo, at nakakakilala ka ng iba't ibang uri ng tao, iba't ibang personalidad at karakter.


----------------------------------------------------------------------------

Masaya lang ako, dahil sa pagkakataong ito, masaya lahat ng mahal ko sa buhay, dalangin ko lang na sa bagong taon na ito, maging ganap pa ang pag-unawa namin sa isa't isa, maging maayos ang mga di pagkakaintindihan, at sama-samang harapin ang laban ng buhay. Iba ang pagsalubong namin sa taong ito, ibang iba sa aking inaasahan, at masaya ako.

Sana sa taong twenty-ten, mas maunawaan ko pa ang takbo ng buhay.

----------------------------------------------------------------------------


Sabi nga ng kaibigan ko, "you can be experienced but not mature, but you can be mature without that much experience." 

I may not be experienced enough to deal with life, but I know that I can be mature enough to know what life means.