Minsan, gusto kong abutin ang mga bituin, liparin ang kalawakan. Pero sa tuwing iniisip ko ito, nakakalimutan kong naabot ko na pala ang isang bituin, nasa tabi ko na siya.
Ang sabi niya sa akin habang kami ay magkatabi't nakahiga sa rooftop ng kanilang bahay.
'kaw talaga, hindi ako kasing taas ng bituin na hindi kayang maabot, na natatanaw mo lang. Hindi din ako kasing lawak ng kalawakan para hindi mo mahanap.
Pero para sa akin, bituin ka, dati, natatanaw lang kita, at sa linawak-lawak ng kalawakan, nakita kita. Wala na akong kailangan hanapin, nandyan ka na eh.
Salamat.
Ako dapat.
Ako nga sabi eh.
Okay, ikaw na nga. Ikaw talaga.
Maraming salamat.
Unti-unti niyang inilapit ang kanyang mukha sa akin. Nagdampi ang aming mga labi.
Nakita ko ang ngiti sa kanyang mga mata, ngiting nagsasabing masaya ako't nandito ka sa tabi ko. Ngiting nagpapahiwatig ng pagmamahal.
Huwag mo akong iwanan ha? Lagi ka lang sa tabi ko.
Kahit na malayo ako, masisilayan mo pa din ako, bituin ako di ba? Ako yun oh! sabay turo sa pinakamaliwanag na bituin.
Ngumiti siya.
Sa tuwing malulungkot ka at hinahanap mo ako, tumingin ka lang sa langit, hanapin mo ang pinakamaliwanag na bituin, dahil ako yun, nagbabantay sa iyo.
Isang ngiti lang ang sinagot niya sa akin. Kuntento na ako dun. Masaya na akong malaman na masaya siya. Kahit ako ang kanyang bituin, siya naman ang araw na nagbibigay liwanag sa madilim kong buhay.
Siya ang dahilan kung bakit sa aking bawat paggising ay ngiti ang makikita sa aking mukha.
Masaya ako, sambit ko.
Ako din, masaya ako.
Dahil nandito ako?
Oo, dahil nandiyan ka sa tabi ko, nandiyan ka para punan ang mga pagkukulang ko, nandiyan ka para mahalin at unawain ako. Nandiyan ka para tanggapin ang pagkakamali ko...
LAHAT NG TAO MAY ITINATAGO, NGUNIT ITO'Y GUSTONG KUMAWALA SA ATIN. MGA SIGAW NA HINDI NARIRINIG, MGA TAKOT NA DI NAKIKITA, MGA PANAHON KUNG SAAN TAYO AY MASAYA AT TAYO AY MALUNGKOT.
10.8.10
11.7.10
21.
bente-unong bagay na tungkol sa akin.
1. Isa akong tulog mantika. Kahit na naka-set na yung phone ko na mag-ring ng ilang beses (one hour
interval) hindi ko siya naririnig kahit na katabi ko lang ito matulog. Maximum volume na yun ah.
2. Takaw-tingin akong tao, yung sa tingin ko ay mauubos ko siya ng isang upuan hanggang sa
mabusog na lang ako at hindi ko pa siya nauubos.
3. Matagal din akong kumain, gusto ko kasi yung na-chew ko siya ng husto bago ko lunukin yung pagkain (nung bata daw ako, naka-blender yung mga pagkain na binibigay ni mama, so baka dun ko nakuha yung ugaling yun)
4. Isa akong tech geek, yung tipong pagkauwi ko ng bahay, eh hindi pwedeng hindi ko mababasa yung mga latest sa gadgets and anything about technology. Lahat na ata ng cellphone reviews nabasa ko na.
5. Hindi ako OC na tao, pero kung maghahanap ka ng bagay na sobrang organized sa akin, yun ay yung itunes playlist ko.
6. Malakas akong magpatugtog, pati kapitbahay pwedeng maki-jamming.
7. Nakakatulog ako na full-volume ang speaker at sarado lahat ng bintana at pinto, walang bentilador at naka-comforter pa ako
8. Gusto ko maglakad ng pagkalayo-layo, yung wala namang gagawin, lalakad lang.
9. Nag-champion kami sa isang ballroom dancing competition.
10. Mas marami pa ata akong jackets/sweatshirt/cardigans kesa sa mga polo and shirt.
11. Ako panganay sa amin, ako lang naman ang pinakamaliit.
12. Mas gusto ko ang mag-commute kaysa sa mag-dala ng sasakyan na kakarag-karag.
13. Impulsive buyer ako, kaya malala kapag may dala akong pera sa bulsa, tiyak na pag-uwi ko, simot ito.
14. Balak ko pang kumuha ng isa pang course, interior design o architecture.
15. Hindi pa ako nakaka-nuod ng concert na binayaran ko.
16. Bago ako mag-college, mabibilang lang sa daliri ang mga movies na pinanuod ko sa sinehan.
17. Associated sa brand o produkto ang aking pangalan at birthday.
18. Madali mong makikita ang mood ko, simply by looking at my face.
19. Madalas ako nakakawala ng wallet or coin purse na may malaki-laking halaga ng salapi.
20. Kaya kong kumain lang ng isang beses sa isang araw at manalagi sa kwarto ng isang buong araw.
21. Kinakausap ko sarili ko mag-isa, parang baliw lang.
Ang hirap pala mag-isip ng mga bagay-bagay na tungkol sa iyo, so far yan lang naman naisip ko, next year, i-update ko naman ulit siya, 22 things naman.

Subscribe to:
Posts (Atom)