LAHAT NG TAO MAY ITINATAGO, NGUNIT ITO'Y GUSTONG KUMAWALA SA ATIN. MGA SIGAW NA HINDI NARIRINIG, MGA TAKOT NA DI NAKIKITA, MGA PANAHON KUNG SAAN TAYO AY MASAYA AT TAYO AY MALUNGKOT.

4.4.10

Option.

Alam mo ba yung pakiramdam na ang gulo-gulo na ng paligid mo? Ang gulo-gulo na ng buhay mo, pero kailangan mo ng isang sagot sa lahat ng bagay na gulong-gulo ka na? Ang gulo, di ba?

Pero ganyan talaga, hindi naman talaga simple ang buhay, hindi ito isang deretso at patag na daan kung saan ay "smooth" lang ang iyong paglalakbay. Maraming "humps and bumps", may mga excavation sites pa na madadaanan, may mga "batik-batik" na madadaanan, pero meron din namang katulad ng expressway kung saan ay walang "heavy-build-up" ng traffic, pwera na lamang kung masiraan ka sa daan, malala yun! Pero kapag nasiraan ka, marami din naman ang nais at pwedeng makatulong sa iyo, meron din namang dadaanan ka lang at di ka papakialaman.

Minsan naman, dadaan ka sa U-turn pero di ka pwede mag-right or left turn. Pwede din naman na bawal ka mag-U-turn at pwede naman ang right turn or left turn, depende na sa iyo yan kung saan ka mas komportableng dumaan at kung kabisado mo ba ang daan, pwede din namang straight ahead lang di ba? Pwede ka din namang mag-short-cut kung pagod ka na, may long-cut din kung gusto mo na mahaba-haba pa ang paglalakbay mo. Minsan naman, maliligaw ka, di mo alam kung mag-u-turn ka, mag-left, mag-right or straight ahead lang, di ka pwede mag-short-cut kasi nga di mo alam ang daan, pero pwede ka mag-long-cut, kasi nga di mo alam ang daan, kaya lakbay ka lang ng lakbay. Sa paglalakbay mo, marami kang mapagtatanungan, marami kang makikilala sa bawat stop-over mo, dahil gusto mo magpahinga, dahil kailangan mo magpa-gas, at dahil kailangan mo din kumain. Sa mga makikilala mo, meron pwedeng maki-hitch sa iyo at go lang kung saan mo gustong pumunta, sasabay lang siya, "go on with the flow" ika nga nila. Meron din namang magpapahatid lang at iiwanan ka din nila, meron din na susundan ka kung saan ka pupunta.

Alam mo ba yung pakiramdam na ang gulo-gulo na ng paligid mo? Ang gulo-gulo na ng buhay mo, pero kailangan mo ng isang sagot sa lahat ng bagay na gulong-gulo ka na? Ang gulo, di ba?

Dahil marami kang options na pwedeng pagpilian, wala naman talagang "no choice" eh, dahil choice mo na din yun, pinili mo na din yun dahil ayaw mo na mag-isip ng ibang paraan para sa problema mo. Walang taong nauubusan ng pagpipilian, may mga tao nga lang na pinipili na lang ang hindi pumili sa listahan ng pagpipilian. Pwede naman siyang pumili ng branded, pwede din rip-off, meron din namang generic, at meron din namang second-hand, minsan pa nga nth hand na eh. Nasa nagdadala din naman yan, kung ano ang mas komportable siya at kung saan siya magiging masaya.

Alam mo ba yung pakiramdam na ang gulo-gulo na ng paligid mo? Ang gulo-gulo na ng buhay mo, pero kailangan mo ng isang sagot sa lahat ng bagay na gulong-gulo ka na? Ang gulo, di ba?

This or that? Dahil sa dami ng options mo, mahirap na din talagang pumili, minsan gusto mo both, kung kaya mo naman, why not? Pero kung isa lang, kailangan ng mataimtim na panalangin at isang matalinong pagiisip. Minsan naman, kung ano yung una mong nakitang maganda, minsan kung ano yung sa tingin mo ay maraming pag-gagamitan, minsan kung ano na lang dun ang kunin mo, at kung ano sa tingin mo ang makakapagpasaya sa iyo.

Alam mo ba yung pakiramdam na ang gulo-gulo na ng paligid mo? Ang gulo-gulo na ng buhay mo, pero kailangan mo ng isang sagot sa lahat ng bagay na gulong-gulo ka na? Ang gulo, di ba?

Sa dami ng pagpipilian mo, ang mahirap pa doon ay ang hinahanap mong specs, minsan kasi mas madaming features ang isa, pero aesthetic-wise, di ito maganda, minsan naman best-of-both-worlds, maganda na, feature-rich pa, san ka pa? Pero dahil best-of-both-worlds ito, mas mahal kaysa sa onti ang specs pero maganda (medyo may kamahalan din ito dahil ang binayaran mo na dito ay ang aesthetic value niya, "designer's choice" kumbaga), at di maganda pero okay ang specs and features niya. Ngayon, ikaw na ang pipili kung ano talaga ang gusto mo.

Alam mo ba yung pakiramdam na ang gulo-gulo na ng paligid mo? Ang gulo-gulo na ng buhay mo, pero kailangan mo ng isang sagot sa lahat ng bagay na gulong-gulo ka na? Ang gulo, di ba?

Nasa sa iyo na iyan kung ano ang makakapagpasaya sa iyo, kung ano ang mas komportable ka at kung ano ang ikakabuti mo. Tandaan mo na lamang na lahat ng bagay ay maraming pros and cons, ang positive at negative side nito. Ikaw na din ang magdadala niyan dahil ikaw ang pumili.