lost in the crowd, finding my self out.
I am left vulnerable by those sleazy thoughts.
sometimes wondering, how? why? then?
=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-
Ang buhay ay isang malaking 'battlefield'. Di mo alam kung kailan ka masusugatan, di mo alam kung kailan ka mananalo sa isang laban. Di mo din malalaman kung kailan ka makakapagpahinga kahit saglit lang. Kailangan mong lumusong ng lumusong, laban lang kung laban, kung hindi mo gagawin yun, ikaw ang matatalo, ikaw ang mako-corner ng sarili mong laban. Ikaw ang talunan sa bandang huli. Marami, iba't iba ang uri ng laban, depende yan sa tao, depende yan kung ano ang nais niyang harapin, depende yan kung saan siya mahina, depende yan kung saan siya malakas. Ang kahinaan natin ay ang ating kalakasan. Marahil magulo sa idelohiya ng iba, ngunit ang iyong kahinaan ang siyang magiging lakas mo sa oras na ito ay iyong kalabanin, at mapagwagian. Kung nagawa mo iyon, ang ibig sabihin lamang nun ay nanalo ka, naharap mo ang iyong sarili, ang sarili mo lamang ang iyong kalaban eh. ----
Your worst enemy is yourself, your greatest friend is yourself.
Isipin mo na lang pre, complacency stagnates us.
ReplyDeleteCheers.