Isang kaluluwang naghahanap ng aliw
sa saliw at indak ng rondalya
at magpapasayaw sa kanyang nangungulilang puso.
At sa bawat pagkalabit ng mga kwerdas
ay ang muling pag-gising
sa kanyang malikot na utak
Nangangarap na isang araw
kanyang muling matatamo
ang musikang kanyang
ninanais na muling marinig.
No comments:
Post a Comment