LAHAT NG TAO MAY ITINATAGO, NGUNIT ITO'Y GUSTONG KUMAWALA SA ATIN. MGA SIGAW NA HINDI NARIRINIG, MGA TAKOT NA DI NAKIKITA, MGA PANAHON KUNG SAAN TAYO AY MASAYA AT TAYO AY MALUNGKOT.
Showing posts with label moving on. Show all posts
Showing posts with label moving on. Show all posts

16.3.10

Rondalya.

Isang kaluluwang naghahanap ng aliw
sa saliw at indak ng rondalya
at magpapasayaw sa kanyang nangungulilang puso.

At sa bawat pagkalabit ng mga kwerdas
ay ang muling pag-gising
sa kanyang malikot na utak

Nangangarap na isang araw
kanyang muling matatamo
ang musikang kanyang
ninanais na muling marinig.

24.2.10

Forever.

Is forever enough?
Is forever really what you need?
Is forever really means forever?


Or what you need is security?


_________________________

31.12.09

Pasasalamat.

Sa pagtatapos ng taon na ito, marami akong dapat i-pagpasalamat.

Sa mga taong nakilala't nakasalamuha ko, sa mga taong kinainisan ko, sa mga taong minamahal ko, sa mga taong nagbigay sa akin ng inspirasyon, maraming salamat sa inyo. Nang 'di dahil sa inyo, 'di mabubuo ang isang taong puno ng kulay, ng kasiyahan, ng kalungkutan, ng kalokohan, at kung anu-ano pang ka(fill-in-the-blank). Sana sa susunod na taon, mas makilala ko kayo ng husto.

Isang buong taon na puno ng kaganapan sa aking buhay at isang panibagong taon na naman ang aking haharapin. Di na ako gagawa ng aking resolution dahil mas gugustuhin ko na gawin ito ng kusa, at 'di dahil sa napilitan ako.

Salamat sa lahat-lahat, salamat sa mga aral ng buhay na Iyong ibinahagi sa akin, maraming salamat sa isang buong taon, tunay Kang dakila, maraming salamat sa mga pagsubok, nang dahil dito, natuto akong malagpasan ang hamon ng buhay, at patuloy sa pagtanggap ng mga ito. Maraming salamat po.

UST Paskuhan 2009.

UST Paskuhan 2009. 


CHEERS FOR THE NEW YEAR! :)

27.12.09

Hanging on.

Sa papalapit na pagpapalit ng taon, maraming mga bagay ang akin pang kinakapitan, kailangan ko na yata itong hayaan na at magsimula ng panibagong paglalakbay. Isang taong puno ng saya, ng lungkot, ng kabiguan, at ng kasiyahan.

Sa totoo lang, di ko alam kung paano sisimulan ang bagong taon, kung gayong iba ang takbo ng aking buhay sa ngayon. Naguguluhan ako, gusto ko nang kumawala, gusto ko na maghanap ng panibagong buhay. Sana nga, masimulan ko ang bagong taon na may bagong pagasa at may bagong pananaw sa buhay.

-------------------------------------------------

15.9.09

Stranger.

I don't know, but I don't feel any regrets of being a stranger to once you known as a friend, it is just but an integral part of life.



Me: Ano ka? Stranger?
Friend: Trying to be.



Malungkot mawalan ng isang kaibigan, na dati lagi mo kasama kahit saan ka man magpunta, o kung nasaan man ang kasiyahan. Pero inaasahan ko na din ang ganyang mga bagay, dahil ako na mismo ang unang lumayo, ako na mismo ang unang nagbago. May magagawa akong paraan para bumalik ito, pero ayaw ko na din subukan dahil alam kong iba na ito kaysa sa dating pagkakaibigan. Iba na din ang ginagalawan kong mundo sa ginagalawan nilang mundo. Marami na ang pagkakaiba at marami na ang nagbago.

Di man gustuhin ngunit kailangan tanggapin na ganon na nga iyon, at ayaw ko na din naman makipagplastikan para lang mabalik ang dating samahan.

Those incidence that happen months ago may have ruined what I call friendship, and I personally don't liked what happened. Mahirap makipagusap sa taong di mo na talagang kilala, dahil isa na silang stranger sa iyong buhay.

Sa bandang huli, ako at sila lang ang makakapag-desisyon kung pwede pa bang maibalik ang dating pagkakaibigan o acquaintance na lang ang turingan niyo sa isa't isa. Mas pipiliin ko na lamang ang huli, di dahil napaka-selfish ko, ngunit dahil ito ang sa tingin kong mas makakabuti sa lahat.

3.9.09

Moving On.

People do come and go. Though they can't stay longer physically with you, the memory of them will still linger with you forever. It is how they've touched your life, it is how they've inspired you that will make them last 'till eternity. Sometimes it takes courage to accept the fact that they're maybe gone.

It is not the fear of loosing them, but it is the fear for the fact that they will be not there with you to see what you have become because of them.

We have to move on and to face our own path, take the courage to take that one step that will change our life, for the better.