LAHAT NG TAO MAY ITINATAGO, NGUNIT ITO'Y GUSTONG KUMAWALA SA ATIN. MGA SIGAW NA HINDI NARIRINIG, MGA TAKOT NA DI NAKIKITA, MGA PANAHON KUNG SAAN TAYO AY MASAYA AT TAYO AY MALUNGKOT.
Showing posts with label memoirs. Show all posts
Showing posts with label memoirs. Show all posts

20.6.10

Kisses.

Kinuha ko siya, ibinulsa, at umalis na kami.

Hindi ko maitago ang aking kasiyahan pauwi, isa siya sa mga usong-usong laruan nung ako'y nasa ikalawang baitang sa elementarya. Sabik na akong ipakita sa aking mga kalaro ang kulay berde't mababangong kisses.

Gusto ko na siyang makitang nanganganak habang nakalagay sa bulak na nilagyan ng tubig. Naalala ko pa, nakikipag-palit pa ako sa ibang meron nun para magkaroon  ng ibang kulay ang mga kisses. Binubusisi pa ang kakapiranggot at maliliit na kisses para lamang malaman kung buntis na ba ito.

Ipinakita ko ito sa kanya, tinanong ako kung saan ko ito nakuha, sinabi ko na kinuha ko ito sa may counter habang nagbabayad ng mga pinamili, ibinulsa ko ito. Tuluyan siyang nagalit, kinuha ang sinturon at tuluyan akong pinalo, pinagalitan dahil sa pangungupit na aking nagawa, hindi ko alam na nagnakaw na pala ako, ang alam ko sa mga panahong iyon ay libre lamang ito at pwede mong kunin. Nagalit siya, ikinulong ako sa kwarto, walang bentilador, madilim, patuloy ang aking pagtangis, ang walang humpay na pagtulo ng aking sipon, ang basa kong damit na nagmimistulang basahan. May mga bakas ng sinturon sa aking katawan. Natatakot ako, mag-isa lang sa kwartong madilim. Hindi ako pinapalabas hangga't hindi ako nagsisisi. Natatakot ako. Dumating ang aking tiyahin, siya ang nagpunas sa basa kong katawan na dulot ng init at pawis. Mula nuon, natuto na ako, ayaw ko na bumalik sa madilim, mainit at nakakatakot na kwarto.


Madalang lang namin siya makasama, dalawang buwan lamang siya nananatili at ang sampung buwan ay iginugugol niya sa iba't ibang parte ng mundo, tahimik, nangungusap ang mga mata, ngunit kung magalit ay matindi. Kuripot, siya ang aming taga-luto.

Siya ang gumigising sa amin sa tuwing linggo ng umaga, magpapatugtog siya sa radyo ng kanyang paboritong istasyon, mga makalumang kanta, napakalakas, kahit buong eskinita sa amin ay maririnig ito. Sa kanya ko nakuha ang pagpapatugtog na pagkalakas-lakas. Isang utos lamang niya, susundin na. Siya ang tiga-ayos ng mga sirang gamit dito, mga electric-fan na hindi na gumagana, mga tukador na hindi maisara ng maayos.

Minsan, habang ako'y natutulog, tumabi siya sa akin, niyakap niya ako. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Naramdaman ko din ang kanyang yakap. Yakap na nagsasabing nandito lang ako, mahal kita. Napaka-kakaiba ng naramdaman ko, minsan lang siya magpakita ng kanyang nararamdaman. Hindi ko malimutan ang araw na iyon.

Lumaki kaming hindi siya kasama, sa aking graduation ng elementarya at hayskul, wala siya. Laking tuwa ko na lamang na siya ay dadalo sa aking Commencement sa kolehiyo. Masaya ako.

Katulad niya, hindi ko din hayagang ipinapadama ang aking nararamdaman, katulad niya, ang mga mata ko ang nakikipagusap, katulad niya, matindi din ako kung ako'y gagalitin. katulad niya, gustong gusto ko din kumain.

Gusto kong makita niya kung ano ang kaya kong maabot. Gusto kong maramdaman niya na mahal ko siya.

Gusto ko din mag-pasalamat sa kanya. Maraming salamat Pa. Hindi mo man ito nababasa, ito ang tanging maihahandog ko sa iyo.

 Maligayang Araw ng mga tatay.

12.5.10

Nine.

Late post.

Pumunta ako kasama si Mama at si Lola sa presinto para bumoto sa halalan 2010, una, hinanap pa ulit yung cluster number ko dahil hindi na gumagana yung comelec site nang tignan ko ito, pangalawa, ang init ng panahon, pangatlo, ang gulo-gulo dun sa eskwelahan.

Sinamahan muna namin si Lola para hanapin ang presinto niya at para makaboto, habang bumoboto siya, pumunta muna ako sa cluster namin kung saan ay kumuha ako ng number, nasa 640+ na yung nakuha ko, samantalang ang tinatawag pa lamang na numero ay nasa 120+ at alas dose na ng tanghali. Pagkatapos bumoto ni Lola, umalis muna kami at kumain, pagkatapos kumain ay nag-grocery pa kami, at pagkatapos nun ay umuwi muna ng bahay, at nag-ayos din ng mga pinamili.

Bandang alas kwatro na ng napagpasyahan naming bumalik sa eskwelahan. Pag-dating namin, number 175+, wow ah, wow lang, halos tatlong oras na kaming nawala at ganun pa din ang usad ng pagboto? Naghintay kami ng naghintay, hanggang sa magutom na lang ulit ako at hanggang sa ma-empty battery na yung cellphone ko, hanggang sa nagsi-alisan na ang ibang mga tao. Time check, 8.30 tik tok tik tok tik tok time check 8.45 tik tok tik tok tik tok, number 640, ayan na, ako na ang tatawagin, nakapasok na ako dun sa presinto, at naghintay ulit, tik tok tik tok tik tok, 9.00pm, syempre nauna si mama, at syempre pa nung hinahanap na siya, wala dun yung pangalan niya, hindi siya dun naka-register, sa ibang presinto siya.

Ako na, pangalan, pirma, kumuha ng balota at marker, umupo sa silya, kinuha ang listahan sa lotto, tumaya...
tapos na tumaya, inihulog na ang balota, engg, engg, engg, CONGRATULATIONS, your vote has been counted.
Naks naman, nakaboto ako pagkatapos ng siyam na oras na paghihintay...

Na-realize ko lang, na kahit na sobrang init, na sobrang tagal ng pila, ay nagtiyatiyaga pa rin ang mga tao upang makaboto lamang, umaasa sa isang bagong Pilipinas, sa isang bagong pamamahala. Sana lamang, kung sino man ang nakaupo na sa Malakanyang ay magampanan niya ang kanyang tungkulin dahil hindi magtiya-tiyaga ang mga tao na pumila at tiisin ang init at gutom kung hindi sila nagnanais ng pagbabago.


3.1.10

Cookies.

I already knew what would happen after he gave me the last piece of oatmeal raisin cookie, yet I decided to stay. I was wondering , what will happen next? Will he be able to talk about 'us'? Can we resolve our problems? The conflict between us? These are the questions running on my mind. He utter some words, I couldn't understand.

I was like one of the character in a drama series, I am the girl who truly loves him, but he, on the other hand doesn't. It was a roller coaster ride between the two of us. But between what he was saying and what was worrying me, only some words caught up my attention, 'I love you, but...',

I bite the last oatmeal raisin cookie that he gave me, now, I was the one who is watching a movie or a drama series. I was like, what? what if? what will he say after the but? what will happen next? so many questions, only him could answer.

He then continued, 'I love you but, I was in love with somebody...'.

At first, I was shocked, but then again, I thought of a typical movie, he loves somebody else, better than me, and then he continued.

'...and he was a guy."

And right there and then, the oatmeal raisin cookie that he gave me fell on the floor. I cannot utter a single word, I couldn't even react, I was shocked.

The guy whom that I loved more than my life, love someone, not a girl, but a guy. I stand where I am sitting, saying no words on my mouth, I left him and inch by inch I walked away.

----------------------------------------------------------------------------

An entrance exam entry for a literary org. They provided the first and last sentence and it is up to you on what will happen to the story.

13.12.09

Choices.




Sa kanyang tabi ang dilim,
Sa kanyang tabi ang liwanag.

Siya ay naguguluhan,
Siya ay nababato.

Di alam ang tatahakin,
Di alam ang patutunguhan.

Animo'y nagtatago sa dilim,
Animo'y humaharap sa liwanag.





15.9.09

Stranger.

I don't know, but I don't feel any regrets of being a stranger to once you known as a friend, it is just but an integral part of life.



Me: Ano ka? Stranger?
Friend: Trying to be.



Malungkot mawalan ng isang kaibigan, na dati lagi mo kasama kahit saan ka man magpunta, o kung nasaan man ang kasiyahan. Pero inaasahan ko na din ang ganyang mga bagay, dahil ako na mismo ang unang lumayo, ako na mismo ang unang nagbago. May magagawa akong paraan para bumalik ito, pero ayaw ko na din subukan dahil alam kong iba na ito kaysa sa dating pagkakaibigan. Iba na din ang ginagalawan kong mundo sa ginagalawan nilang mundo. Marami na ang pagkakaiba at marami na ang nagbago.

Di man gustuhin ngunit kailangan tanggapin na ganon na nga iyon, at ayaw ko na din naman makipagplastikan para lang mabalik ang dating samahan.

Those incidence that happen months ago may have ruined what I call friendship, and I personally don't liked what happened. Mahirap makipagusap sa taong di mo na talagang kilala, dahil isa na silang stranger sa iyong buhay.

Sa bandang huli, ako at sila lang ang makakapag-desisyon kung pwede pa bang maibalik ang dating pagkakaibigan o acquaintance na lang ang turingan niyo sa isa't isa. Mas pipiliin ko na lamang ang huli, di dahil napaka-selfish ko, ngunit dahil ito ang sa tingin kong mas makakabuti sa lahat.

9.9.09

Love letter for no one.

Para sa iyo,


Nagiintay ba ako sa pagdating mo? O sadyang hinahayaan ko lang ang tadhana na makita kita? Iniisip ko, sa mga paglalakbay ko ay nakasama na kita, ngunit di pa kita nakita, nasa paligid ka lang. Alam kong di pa huli ang lahat, di ko naman kailangan makipagsabayan sa iba. Kailangan ko lang malaman na darating ka pa sa buhay ko. Kailangan ko malaman na nandyan ka lang, naghihintay din, hinahanap ako. Di pa tinatakda ng panahon ang pagkikita natin, maraming nagpapakilala sa akin, ngunit di kita makita.

Sana, kung nasaan ka man, maging masaya ka. Maghihintay lang ako. Di mapapagod.

Maraming salamat.

nagmamahal,
ako.

3.9.09

Moving On.

People do come and go. Though they can't stay longer physically with you, the memory of them will still linger with you forever. It is how they've touched your life, it is how they've inspired you that will make them last 'till eternity. Sometimes it takes courage to accept the fact that they're maybe gone.

It is not the fear of loosing them, but it is the fear for the fact that they will be not there with you to see what you have become because of them.

We have to move on and to face our own path, take the courage to take that one step that will change our life, for the better.