LAHAT NG TAO MAY ITINATAGO, NGUNIT ITO'Y GUSTONG KUMAWALA SA ATIN. MGA SIGAW NA HINDI NARIRINIG, MGA TAKOT NA DI NAKIKITA, MGA PANAHON KUNG SAAN TAYO AY MASAYA AT TAYO AY MALUNGKOT.
Showing posts with label dreams. Show all posts
Showing posts with label dreams. Show all posts

10.8.10

Bituin.

Minsan, gusto kong abutin ang mga bituin, liparin ang kalawakan. Pero sa tuwing iniisip ko ito, nakakalimutan kong naabot ko na pala ang isang bituin, nasa tabi ko na siya.

Ang sabi niya sa akin habang kami ay magkatabi't nakahiga sa rooftop ng kanilang bahay.

'kaw talaga, hindi ako kasing taas ng bituin na hindi kayang maabot, na natatanaw mo lang. Hindi din ako kasing lawak ng kalawakan para hindi mo mahanap.

Pero para sa akin, bituin ka, dati, natatanaw lang kita, at sa linawak-lawak ng kalawakan, nakita kita. Wala na akong kailangan hanapin, nandyan ka na eh.

Salamat.

Ako dapat.

Ako nga sabi eh.

Okay, ikaw na nga. Ikaw talaga.

Maraming salamat.

Unti-unti niyang inilapit ang kanyang mukha sa akin. Nagdampi ang aming mga labi.

Nakita ko ang ngiti sa kanyang mga mata, ngiting nagsasabing masaya ako't nandito ka sa tabi ko. Ngiting nagpapahiwatig ng pagmamahal.

Huwag mo akong iwanan ha? Lagi ka lang sa tabi ko.

Kahit na malayo ako, masisilayan mo pa din ako, bituin ako di ba? Ako yun oh! sabay turo sa pinakamaliwanag na bituin.

Ngumiti siya.

Sa tuwing malulungkot ka at hinahanap mo ako, tumingin ka lang sa langit, hanapin mo ang pinakamaliwanag na bituin, dahil ako yun, nagbabantay sa iyo.


Isang ngiti lang ang sinagot niya sa akin. Kuntento na ako dun. Masaya na akong malaman na masaya siya. Kahit ako ang kanyang bituin, siya naman ang araw na nagbibigay liwanag sa madilim kong buhay.

Siya ang dahilan kung bakit sa aking bawat paggising ay ngiti ang makikita sa aking mukha.

Masaya ako, sambit ko.

Ako din, masaya ako.

Dahil nandito ako?

Oo, dahil nandiyan ka sa tabi ko, nandiyan ka para punan ang mga pagkukulang ko, nandiyan ka para mahalin at unawain ako. Nandiyan ka para tanggapin ang pagkakamali ko...

20.6.10

Kisses.

Kinuha ko siya, ibinulsa, at umalis na kami.

Hindi ko maitago ang aking kasiyahan pauwi, isa siya sa mga usong-usong laruan nung ako'y nasa ikalawang baitang sa elementarya. Sabik na akong ipakita sa aking mga kalaro ang kulay berde't mababangong kisses.

Gusto ko na siyang makitang nanganganak habang nakalagay sa bulak na nilagyan ng tubig. Naalala ko pa, nakikipag-palit pa ako sa ibang meron nun para magkaroon  ng ibang kulay ang mga kisses. Binubusisi pa ang kakapiranggot at maliliit na kisses para lamang malaman kung buntis na ba ito.

Ipinakita ko ito sa kanya, tinanong ako kung saan ko ito nakuha, sinabi ko na kinuha ko ito sa may counter habang nagbabayad ng mga pinamili, ibinulsa ko ito. Tuluyan siyang nagalit, kinuha ang sinturon at tuluyan akong pinalo, pinagalitan dahil sa pangungupit na aking nagawa, hindi ko alam na nagnakaw na pala ako, ang alam ko sa mga panahong iyon ay libre lamang ito at pwede mong kunin. Nagalit siya, ikinulong ako sa kwarto, walang bentilador, madilim, patuloy ang aking pagtangis, ang walang humpay na pagtulo ng aking sipon, ang basa kong damit na nagmimistulang basahan. May mga bakas ng sinturon sa aking katawan. Natatakot ako, mag-isa lang sa kwartong madilim. Hindi ako pinapalabas hangga't hindi ako nagsisisi. Natatakot ako. Dumating ang aking tiyahin, siya ang nagpunas sa basa kong katawan na dulot ng init at pawis. Mula nuon, natuto na ako, ayaw ko na bumalik sa madilim, mainit at nakakatakot na kwarto.


Madalang lang namin siya makasama, dalawang buwan lamang siya nananatili at ang sampung buwan ay iginugugol niya sa iba't ibang parte ng mundo, tahimik, nangungusap ang mga mata, ngunit kung magalit ay matindi. Kuripot, siya ang aming taga-luto.

Siya ang gumigising sa amin sa tuwing linggo ng umaga, magpapatugtog siya sa radyo ng kanyang paboritong istasyon, mga makalumang kanta, napakalakas, kahit buong eskinita sa amin ay maririnig ito. Sa kanya ko nakuha ang pagpapatugtog na pagkalakas-lakas. Isang utos lamang niya, susundin na. Siya ang tiga-ayos ng mga sirang gamit dito, mga electric-fan na hindi na gumagana, mga tukador na hindi maisara ng maayos.

Minsan, habang ako'y natutulog, tumabi siya sa akin, niyakap niya ako. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Naramdaman ko din ang kanyang yakap. Yakap na nagsasabing nandito lang ako, mahal kita. Napaka-kakaiba ng naramdaman ko, minsan lang siya magpakita ng kanyang nararamdaman. Hindi ko malimutan ang araw na iyon.

Lumaki kaming hindi siya kasama, sa aking graduation ng elementarya at hayskul, wala siya. Laking tuwa ko na lamang na siya ay dadalo sa aking Commencement sa kolehiyo. Masaya ako.

Katulad niya, hindi ko din hayagang ipinapadama ang aking nararamdaman, katulad niya, ang mga mata ko ang nakikipagusap, katulad niya, matindi din ako kung ako'y gagalitin. katulad niya, gustong gusto ko din kumain.

Gusto kong makita niya kung ano ang kaya kong maabot. Gusto kong maramdaman niya na mahal ko siya.

Gusto ko din mag-pasalamat sa kanya. Maraming salamat Pa. Hindi mo man ito nababasa, ito ang tanging maihahandog ko sa iyo.

 Maligayang Araw ng mga tatay.

11.6.10

Overtime.

Simula nung lunes ay OT mode kami. Okay naman, nagbubunga naman yung mga pinag-gagagawa namin. Pero di din okay dahil ako naman ang hindi okay. Nawawalan na ako ng lakas, nanghihina na ako, di na ako makapag-trabaho ng maayos. Marami na din akong nami-miss na mga kaganapan kung saan saan. Di na ako nakakagala.

-----------------------------------

Nag-overtime na ata talaga ako sa paglalaro, pakiramdam ko ay kailangan ko na mag-seryoso naman kahit papaano. Sabi nga nila, I'm a happy-go-lucky guy, kaladkarin, go on with the flow, pero mahirap din naman na lagi ka na lang ganun, walang seseryoso sa iyo, iisipin na lang nila na game ka lang at walang focus. Impulsive pa ako, moody, transparent, san ka pa?


-----------------------------------

isang tanong:


sino pipiliin mo? si persistent lover na gagawin lahat makasama ka? or si hard-to-get one, na gustong-gusto mo pero hindi ka pa niya gustong-gusto?


sino ka sa dalawa? si persistent lover? o si hard-to-get one?

16.3.10

Rondalya.

Isang kaluluwang naghahanap ng aliw
sa saliw at indak ng rondalya
at magpapasayaw sa kanyang nangungulilang puso.

At sa bawat pagkalabit ng mga kwerdas
ay ang muling pag-gising
sa kanyang malikot na utak

Nangangarap na isang araw
kanyang muling matatamo
ang musikang kanyang
ninanais na muling marinig.

24.2.10

Forever.

Is forever enough?
Is forever really what you need?
Is forever really means forever?


Or what you need is security?


_________________________

1.1.10

Twenty-Ten.

A fresh new start of old ways?

Sa napansin ko, walang masyadong putukang nangyari sa pagsapit ng taong twenty-ten (o baka dito lang sa lugar namin). Usually pagdating ng bagong taon, dito sa itaas ng bahay namin, puro usok na lang ang makikita't malalanghap mo, pero 'di nangyari ang inaasahan ko, walang masyadong ka-boom, walang masyadong boom boom boom, walang masyadong zzzzzoooooooooommmmm-----boooomm!, at higit sa lahat, di ko na masyadong makita ang magagandang fireworks display mula sa araneta, sa eastwood, sa marikina, at sa kung saan pang lupalop, dahil may nakaharang na, yung mga bahay-bahay dito sa lugar namin nagsi-taasan sila. Anyway, year of the metal tiger na, wala lang, gusto ko lang sabihin.

Sa tingin ko, bagong simula na talaga, nagbabagong buhay na ang mga tao. Teka, di pa pala, dahil yung kapitbahay namin, bagong taon na bagong taon, ayun, nakikipagaway sa asawa niya, ang lakas ng boses, di tuloy makatulog mga tao dito sa amin.

A fresh new start of old habits?

Isa sa mga habit ko eh magbasa ng mga blogs, gadget blogs, personal blogs, at kung ano pang pwedeng basahin at mga pwedeng ma-click na mga links, kahit na nga minsan ay inaantok na ako at pagod dahil sa OT=Ty (but still happy 'cause of foods!) na work, di ko pa rin maiwasang di humarap sa tapat ng monitor at magbasa pagkauwi ko sa bahay.

Masaya kasi magbasa ng mga blogs, dito, nakakapulot ka ng mahahalagang aral, nakakapag-share ka ng ideas, nakakapag-komento ka, nailalabas mo ang kung ano mang damdamin/dinadamdam mo, at nakakakilala ka ng iba't ibang uri ng tao, iba't ibang personalidad at karakter.


----------------------------------------------------------------------------

Masaya lang ako, dahil sa pagkakataong ito, masaya lahat ng mahal ko sa buhay, dalangin ko lang na sa bagong taon na ito, maging ganap pa ang pag-unawa namin sa isa't isa, maging maayos ang mga di pagkakaintindihan, at sama-samang harapin ang laban ng buhay. Iba ang pagsalubong namin sa taong ito, ibang iba sa aking inaasahan, at masaya ako.

Sana sa taong twenty-ten, mas maunawaan ko pa ang takbo ng buhay.

----------------------------------------------------------------------------


Sabi nga ng kaibigan ko, "you can be experienced but not mature, but you can be mature without that much experience." 

I may not be experienced enough to deal with life, but I know that I can be mature enough to know what life means.

27.12.09

Hanging on.

Sa papalapit na pagpapalit ng taon, maraming mga bagay ang akin pang kinakapitan, kailangan ko na yata itong hayaan na at magsimula ng panibagong paglalakbay. Isang taong puno ng saya, ng lungkot, ng kabiguan, at ng kasiyahan.

Sa totoo lang, di ko alam kung paano sisimulan ang bagong taon, kung gayong iba ang takbo ng aking buhay sa ngayon. Naguguluhan ako, gusto ko nang kumawala, gusto ko na maghanap ng panibagong buhay. Sana nga, masimulan ko ang bagong taon na may bagong pagasa at may bagong pananaw sa buhay.

-------------------------------------------------

13.12.09

Choices.




Sa kanyang tabi ang dilim,
Sa kanyang tabi ang liwanag.

Siya ay naguguluhan,
Siya ay nababato.

Di alam ang tatahakin,
Di alam ang patutunguhan.

Animo'y nagtatago sa dilim,
Animo'y humaharap sa liwanag.





18.9.09

Innuendo.

Isang sandaling di makapagsalita.
Sa kabila ng mga matang umaapila.
Sana'y dinggin ang isang panalangin.
Habang buhay na haharapin.

Nangangarap. Naghihikahos.
Isipang may dalang panaghoy.
Damdaming nais iparinig.
Sa lahat ng dumadaing.

15.9.09

Stranger.

I don't know, but I don't feel any regrets of being a stranger to once you known as a friend, it is just but an integral part of life.



Me: Ano ka? Stranger?
Friend: Trying to be.



Malungkot mawalan ng isang kaibigan, na dati lagi mo kasama kahit saan ka man magpunta, o kung nasaan man ang kasiyahan. Pero inaasahan ko na din ang ganyang mga bagay, dahil ako na mismo ang unang lumayo, ako na mismo ang unang nagbago. May magagawa akong paraan para bumalik ito, pero ayaw ko na din subukan dahil alam kong iba na ito kaysa sa dating pagkakaibigan. Iba na din ang ginagalawan kong mundo sa ginagalawan nilang mundo. Marami na ang pagkakaiba at marami na ang nagbago.

Di man gustuhin ngunit kailangan tanggapin na ganon na nga iyon, at ayaw ko na din naman makipagplastikan para lang mabalik ang dating samahan.

Those incidence that happen months ago may have ruined what I call friendship, and I personally don't liked what happened. Mahirap makipagusap sa taong di mo na talagang kilala, dahil isa na silang stranger sa iyong buhay.

Sa bandang huli, ako at sila lang ang makakapag-desisyon kung pwede pa bang maibalik ang dating pagkakaibigan o acquaintance na lang ang turingan niyo sa isa't isa. Mas pipiliin ko na lamang ang huli, di dahil napaka-selfish ko, ngunit dahil ito ang sa tingin kong mas makakabuti sa lahat.

9.9.09

Love letter for no one.

Para sa iyo,


Nagiintay ba ako sa pagdating mo? O sadyang hinahayaan ko lang ang tadhana na makita kita? Iniisip ko, sa mga paglalakbay ko ay nakasama na kita, ngunit di pa kita nakita, nasa paligid ka lang. Alam kong di pa huli ang lahat, di ko naman kailangan makipagsabayan sa iba. Kailangan ko lang malaman na darating ka pa sa buhay ko. Kailangan ko malaman na nandyan ka lang, naghihintay din, hinahanap ako. Di pa tinatakda ng panahon ang pagkikita natin, maraming nagpapakilala sa akin, ngunit di kita makita.

Sana, kung nasaan ka man, maging masaya ka. Maghihintay lang ako. Di mapapagod.

Maraming salamat.

nagmamahal,
ako.