65%. Grado ko.
SWOT
Strengths - 4
Weaknesses - 9
Opportunities - 3
Threats - 2
Wow. Mas marami pa akong kahinaan kaysa sa aking mga kalakasan.
Karapat dapat ba ako dito?
Baka. Pwede. Siguro. Hindi. Oo.
Magdadalawang taon na din ako sa industriyang aking kinalalagyan.Halos dalawang taon kung saan ay marami na akong mga kasamahang umalis at hinanap kung saan talaga sila nababagay, kung saan sila magtatagumpay. Marami na akong nakilala, maraming nakatawanan at nakakwentuhan.
Masaya sa mundong ginagalawan ko. Ngunit ang hindi alam ng iba ay kung gaano ito kabusisi, kung gaano ito kagulo. Maraming nagiisip na ang mundong ito ay isang glamorosong industriya kung saan ay nakakasalamuha mo ang mga taong ni sa hinagap ay iyo man lang makakausap. Mga taong beterano na sa kani-kanilang propesyon na maaring mong kapulutan ng kaalaman. Kung saan ay nasasabi mo sa mga tao na ito dapat ang iyong bilhin, ito ang mas maganda, ito ang karapat-dapat.
Nagiisip ako, para ba ako dito? O kailangan ko lang lagpasan ang aking sarili para magtagumpay sa larangang ito. Marami pa akong dapat matutunan, at mas marami pa akong dapat matuklasan. Sa ngayon, papakiramdaman ko muna ang hangin, lalabanan ang alon, at magsusumikap.
Mabuti na lamang ay nandiyan ka.
LAHAT NG TAO MAY ITINATAGO, NGUNIT ITO'Y GUSTONG KUMAWALA SA ATIN. MGA SIGAW NA HINDI NARIRINIG, MGA TAKOT NA DI NAKIKITA, MGA PANAHON KUNG SAAN TAYO AY MASAYA AT TAYO AY MALUNGKOT.
Showing posts with label of troubles and solutions. Show all posts
Showing posts with label of troubles and solutions. Show all posts
5.5.10
Lost.
Have you ever been so lost
Know the way and still so lost
Another night waiting for someone to take me home
Have you ever been so lost
-LOST (Katy Perry)
Nawawala ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko.
Maraming mga bagay ang gumugulo sa isipan ko. Mabibilis at hindi inaasahang pangyayari ang isa-isang dumadating. Hindi na kinakaya ng katawan ko, hindi na kinakaya ng utak ko.
Malapit na akong sumabog. Nauubos na ang lakas ko.
May gusto akong gawin, ang maghahanap ng ibang gagawin.
Kung kaya lang mawala ang lahat ng ito sa isang sigaw lang, ginawa ko na.
Kung kaya lang mawala ang lahat ng ito sa isang iyak lang, ginawa ko na.
Kung kaya lang mawala ang lahat ng ito sa isang tulog lang, ginawa ko na.
Ngunit hindi kaya, oo, mababawasan ito, ngunit pagkatapos kong sumigaw, umiyak at matulog, ano ang mapapala ko? ano ang mangyayari? makakabalik na kaya ako?
Ang sarap siguro mawala lang ng isang araw, hindi magpaparamdam sa kahit sino man, at gawin ang mga gustong gawin, wala lang akong lakas ng loob. mahina pa ako. takot.
kailangan ko magipon ng sapat na lakas ng loob para humarap sa ibang mundo. kailangan kong makilala lalo ang sarili ko. nawawala talaga ako.
Sana, mahanap ko na ang hinahanap ko.

24.2.10
Forever.
Is forever enough?
Is forever really what you need?
Is forever really means forever?
Or what you need is security?
_________________________
Is forever really what you need?
Is forever really means forever?
Or what you need is security?
_________________________
31.1.10
DUI.
Driving along Aurora blvd. under the influence of alcohol and trying to overtake a trailer truck is not a good idea, masyadong malaki ang truck para i-overtake at masyadong maliit ang kalsada para ipagsiksikan ang kotse. That's why you have a driver, to drive you home safely without any mishaps along the way. It is good that you're able to maneuver the car before it hit anything or anyone, although sumabog yung gulong mo at nasira yung mags at kailangan pa ipa-vulcanize ang spare tire somewhere in project 4 at mahirap maghanap ng 24hrs na vulcanizing shop ah.
Hay. Ayaw ko na nga ipilit na mag-drive ng sasakyan, lagi na lang may nangyayaring kabalbalan kapag ako ang nagdadala nun. Parang ayaw sa akin nung kotseng yun, kung hindi ako natitirikan, nawawalan ng andar yung makina, naliligaw, at kung anu-ano pang pangyayaring maari mo nang maisip, parang nangyari na sa akin, and the latest, kamuntik na ako makabangga!
Charge it in experience, but next time, be more cautious while driving and be more aware of anything that's happening around you. Or better yet, don't drive kaya ka nagdala ng driver!
What a lovely way of ending the first month of 2010. Grabe.
Subscribe to:
Posts (Atom)