LAHAT NG TAO MAY ITINATAGO, NGUNIT ITO'Y GUSTONG KUMAWALA SA ATIN. MGA SIGAW NA HINDI NARIRINIG, MGA TAKOT NA DI NAKIKITA, MGA PANAHON KUNG SAAN TAYO AY MASAYA AT TAYO AY MALUNGKOT.

10.8.10

Bituin.

Minsan, gusto kong abutin ang mga bituin, liparin ang kalawakan. Pero sa tuwing iniisip ko ito, nakakalimutan kong naabot ko na pala ang isang bituin, nasa tabi ko na siya.

Ang sabi niya sa akin habang kami ay magkatabi't nakahiga sa rooftop ng kanilang bahay.

'kaw talaga, hindi ako kasing taas ng bituin na hindi kayang maabot, na natatanaw mo lang. Hindi din ako kasing lawak ng kalawakan para hindi mo mahanap.

Pero para sa akin, bituin ka, dati, natatanaw lang kita, at sa linawak-lawak ng kalawakan, nakita kita. Wala na akong kailangan hanapin, nandyan ka na eh.

Salamat.

Ako dapat.

Ako nga sabi eh.

Okay, ikaw na nga. Ikaw talaga.

Maraming salamat.

Unti-unti niyang inilapit ang kanyang mukha sa akin. Nagdampi ang aming mga labi.

Nakita ko ang ngiti sa kanyang mga mata, ngiting nagsasabing masaya ako't nandito ka sa tabi ko. Ngiting nagpapahiwatig ng pagmamahal.

Huwag mo akong iwanan ha? Lagi ka lang sa tabi ko.

Kahit na malayo ako, masisilayan mo pa din ako, bituin ako di ba? Ako yun oh! sabay turo sa pinakamaliwanag na bituin.

Ngumiti siya.

Sa tuwing malulungkot ka at hinahanap mo ako, tumingin ka lang sa langit, hanapin mo ang pinakamaliwanag na bituin, dahil ako yun, nagbabantay sa iyo.


Isang ngiti lang ang sinagot niya sa akin. Kuntento na ako dun. Masaya na akong malaman na masaya siya. Kahit ako ang kanyang bituin, siya naman ang araw na nagbibigay liwanag sa madilim kong buhay.

Siya ang dahilan kung bakit sa aking bawat paggising ay ngiti ang makikita sa aking mukha.

Masaya ako, sambit ko.

Ako din, masaya ako.

Dahil nandito ako?

Oo, dahil nandiyan ka sa tabi ko, nandiyan ka para punan ang mga pagkukulang ko, nandiyan ka para mahalin at unawain ako. Nandiyan ka para tanggapin ang pagkakamali ko...