LAHAT NG TAO MAY ITINATAGO, NGUNIT ITO'Y GUSTONG KUMAWALA SA ATIN. MGA SIGAW NA HINDI NARIRINIG, MGA TAKOT NA DI NAKIKITA, MGA PANAHON KUNG SAAN TAYO AY MASAYA AT TAYO AY MALUNGKOT.

22.1.10

Mascot.

Ang tao ba sa loob ng mascot, kapag nagpakuha ka ng litrato kasama siya, nakangiti rin kaya siya?  O hindi dahil sa sobrang pagod at bigat ng suot niya?

Ang tao ba na nagpapakuha ng litrato kasama ang mascot ay masaya? O sa kabila ng kanyang pilit na pag-ngiti ay nagtatago ang isang malungkot na pagkatao?


O 'di kaya'y depende din ito sa kanilang pananaw sa buhay?


-------------------------------------

Sa kabila ng kanyang mga ngiti,
ay nagtatago ang isang alaalang
nagbibigay ng pait sa kanyang mga labi.

Sa kabila ng pait ng alaala ay
isang taong nagbigay sigla at kulay
sa kanyang buhay.

Sa kabila ng pagtatago
sa isang pagkataong hindi kanya,
ay isang taong nangangarap.

Sa kabila ng bigat na pasan,
ay isang pag-asang magbibigay
ng ngiti sa kanyang mga labi.

4 comments:

  1. sa kabila ng maskara
    huwad na katotohanan
    huwad na kasinungalingan

    ReplyDelete
  2. it takes a great amount of skill to pull a fake smile on.

    ReplyDelete
  3. kahit ang isang tao nakangiti, madali pa ring malaman na malungkot siya.

    ReplyDelete
  4. @ andrei: sa kabila ng isang maskara ay isang taong nangangarap at umaasa...

    @ herbs: one has to master the art of faking a smile.

    @ engel: isang lungkot na makikita sa kanyang mga mata.

    ReplyDelete