This is a representation of me.
Boy, ilang taon ka na?
Sigurado kang college ka na? Mukha ka kasing highschool student eh.
Talaga? Graduate ka na? Parang kailan lang ah.
Bouncer sa bar: (Lumapit sa pwesto namin) Bakit may minor dito?
Bouncer sa bar: (magkaibang bar) Ilang taon ka na?
I'd like to take those comments above as a compliment. Pero minsan, mahirap din talaga. Mukha talaga akong totoy, kahit na magpatubo pa ako ng goatee, minsan wala talagang sumeseryoso sa akin. Sa tindig ko pa naman, di maiiwasang mapagkamalan akong totoy, minsan nakakainis, minsan okay lang, minsan masaya, lalo na't nakakakuha ka ng freebies at discount o kung anu man sa kung saan dahil mukha ka pang college student, at sa linya ng trabaho ko, di talaga pormal ang mga tao kahit sa pananamit.
Pero minsan, may mga bagay-bagay na nalulusutan ko dahil sa pagiging 'totoy' ko. Mas malalaki/matatangkad pa nga yung mga kapatid ko, kahit na ako yung panganay, badtrip pag sabay-sabay kami lalabas ng bahay.
Pag nakita niyo ko sa daan, na halos ganyan yung itsura, malamang ako yun. Diyan lang ako sa tabi-tabi, makikita kung saan-saan. Minsan masaya, minsan masungit (lalo na pag gutom), minsan suplado (most of the time). Makikita niyo ko na may dala-dalang backpack na walang laman kundi jacket at wallet.
See you when I see you.
ayos na yan, kesa mapagkamalan kang matanda. strength din yang pagiging bagets looking. =)
ReplyDeletehihi forever young ka pala
ReplyDelete@Mr. engel, yup! strength din naman. Maraming naaakit! haha.
ReplyDelete@Mr. thecurioscat, we should always feel young. para forever young. :D
hahaha ganun tlga pag mukha kang totoy...Edge mo yan...
ReplyDelete