LAHAT NG TAO MAY ITINATAGO, NGUNIT ITO'Y GUSTONG KUMAWALA SA ATIN. MGA SIGAW NA HINDI NARIRINIG, MGA TAKOT NA DI NAKIKITA, MGA PANAHON KUNG SAAN TAYO AY MASAYA AT TAYO AY MALUNGKOT.
Showing posts with label unveiling. Show all posts
Showing posts with label unveiling. Show all posts

10.2.11

Pagbubunyag.

Minsan, kailangan mo din ipakita kung sino ikaw sa ibang tao upang ikaw ay mas lalong maintindihan.
Matagal ko na din suot-suot ang maskarang nagtatago sa aking tunay na katauhan, ngunit may mga pagkakataon na kailangan mong iharap ang taong nagtatago sa likod ng nito.

Hindi ako nagsisisi sa desisyong ito, kahit na iilan lamang ang nakakaalam ng aking tunay na katauhan, ang alam ko ay masaya ako't malaya na.

11.7.10

21.

bente-unong bagay na tungkol sa akin.

1.   Isa akong tulog mantika. Kahit na naka-set na yung phone ko na mag-ring ng ilang beses (one hour
      interval) hindi ko siya naririnig kahit na katabi ko lang ito matulog. Maximum volume na yun ah.

2.   Takaw-tingin akong tao, yung sa tingin ko ay mauubos ko siya ng isang upuan hanggang sa
      mabusog na lang ako at hindi ko pa siya nauubos.

3.   Matagal din akong kumain, gusto ko kasi yung na-chew ko siya ng husto bago ko lunukin yung pagkain (nung bata daw ako, naka-blender yung mga pagkain na binibigay ni mama, so baka dun ko nakuha yung ugaling yun)

4.   Isa akong tech geek, yung tipong pagkauwi ko ng bahay, eh hindi pwedeng hindi ko mababasa yung mga latest sa gadgets and anything about technology. Lahat na ata ng cellphone reviews nabasa ko na.

5.   Hindi ako OC na tao, pero kung maghahanap ka ng bagay na sobrang organized sa akin, yun ay      yung itunes playlist ko.

6.   Malakas akong magpatugtog, pati kapitbahay pwedeng maki-jamming.

7.   Nakakatulog ako na full-volume ang speaker at sarado lahat ng bintana at pinto, walang bentilador at      naka-comforter pa ako

8.   Gusto ko maglakad ng pagkalayo-layo, yung wala namang gagawin, lalakad lang.

9.   Nag-champion kami sa isang ballroom dancing competition.

10. Mas marami pa ata akong jackets/sweatshirt/cardigans kesa sa mga polo and shirt.

11. Ako panganay sa amin, ako lang naman ang pinakamaliit.

12. Mas gusto ko ang mag-commute kaysa sa mag-dala ng sasakyan na kakarag-karag.

13. Impulsive buyer ako, kaya malala kapag may dala akong pera sa bulsa, tiyak na pag-uwi ko, simot       ito.

14. Balak ko pang kumuha ng isa pang course, interior design o architecture.

15. Hindi pa ako nakaka-nuod ng concert na binayaran ko.

16. Bago ako mag-college, mabibilang lang sa daliri ang mga movies na pinanuod ko sa sinehan.

17. Associated sa brand o produkto ang aking pangalan at birthday.

18. Madali mong makikita ang mood ko, simply by looking at my face.

19. Madalas ako nakakawala ng wallet or coin purse na may malaki-laking halaga ng salapi.

20. Kaya kong kumain lang ng isang beses sa isang araw at manalagi sa kwarto ng isang buong araw.

21. Kinakausap ko sarili ko mag-isa, parang baliw lang.

Ang hirap pala mag-isip ng mga bagay-bagay na tungkol sa iyo, so far yan lang naman naisip ko, next year, i-update ko naman ulit siya, 22 things naman.

14.1.10

Late.

NOON (School)

7:30 earliest schedule. plus 15 minutes 'grace' period (depends on how long the subject will be)
------------------------------------
6:00 Check Phone. 5 mins.

6:10 Wake up. Have to finish some works.

6:20 Done with works.

6:30 Eat. Fix myself.

6:45 Get out of the house.

6:50 LRT 2 Anonas Station.

7:15 LRT 2 Legarda Station. Pedicab.

7:20 P.Noval, Beato. / Lacson, Eng. Bldg. Late.

7:30 Start of class.

Buti na lang at di ako na-FA (failure due to absences) at naka-graduate ako in time.
Talagang sakto lang ako sa oras, o di kaya ay late talaga ako. Pinipilit kong baguhin.



NGAYON (Work)

8:30 - start of work. plus 15 minutes 'grace' period.
-----------------------------------------
7:00 Check the cellphone. Maaga pa. 15mins.

7:30 Wait. Additional 5mins.

7:45 Wake up! Wake up! Too sleepy.

8:00 wake up. fix myself.

8:30 drink milo. get out of the house.

8:45 LRT 2 Anonas Station.

8:50 MRT 3 Araneta-Cubao Station.

9:20 MRT3 Ayala Ave. Station.

9:40 Sign-in. Work. Late. Bawas sweldo.

Salamat na lang at wala pa ako memo, good-luck sa evaluation.
Tulog mantika. Di uubra ang alarm ng cellphone. Di din uubra ang panggigising ng magulang. wala din kwenta ang text o tawag. Basta kapag kumakanta na ang subconscious mind ko, time to wake up. Weird ba? Parang may sariling playlist ang utak ko, kusa na lang may maiisip na song for the day, yun na ang alarm ko para gumising.

Wake me up.

2.1.10

Me.


This is a representation of me.


Boy, ilang taon ka na?
Sigurado kang college ka na? Mukha ka kasing highschool student eh.
Talaga? Graduate ka na? Parang kailan lang ah.
Bouncer sa bar: (Lumapit sa pwesto namin) Bakit may minor dito?
Bouncer sa bar: (magkaibang bar) Ilang taon ka na?

I'd like to take those comments above as a compliment. Pero minsan, mahirap din talaga. Mukha talaga akong totoy, kahit na magpatubo pa ako ng goatee, minsan wala talagang sumeseryoso sa akin. Sa tindig ko pa naman, di maiiwasang mapagkamalan akong totoy, minsan nakakainis, minsan okay lang, minsan masaya, lalo na't nakakakuha ka ng freebies at discount o kung anu man sa kung saan dahil mukha ka pang college student, at sa linya ng trabaho ko, di talaga pormal ang mga tao kahit sa pananamit.

Pero minsan, may mga bagay-bagay na nalulusutan ko dahil sa pagiging 'totoy' ko. Mas malalaki/matatangkad pa nga yung mga kapatid ko, kahit na ako yung panganay, badtrip pag sabay-sabay kami lalabas ng bahay.

Pag nakita niyo ko sa daan, na halos ganyan yung itsura, malamang ako yun. Diyan lang ako sa tabi-tabi, makikita kung saan-saan. Minsan masaya, minsan masungit (lalo na pag gutom), minsan suplado (most of the time). Makikita niyo ko na may dala-dalang backpack na walang laman kundi jacket at wallet.

See you when I see you.