LAHAT NG TAO MAY ITINATAGO, NGUNIT ITO'Y GUSTONG KUMAWALA SA ATIN. MGA SIGAW NA HINDI NARIRINIG, MGA TAKOT NA DI NAKIKITA, MGA PANAHON KUNG SAAN TAYO AY MASAYA AT TAYO AY MALUNGKOT.

10.8.10

Bituin.

Minsan, gusto kong abutin ang mga bituin, liparin ang kalawakan. Pero sa tuwing iniisip ko ito, nakakalimutan kong naabot ko na pala ang isang bituin, nasa tabi ko na siya.

Ang sabi niya sa akin habang kami ay magkatabi't nakahiga sa rooftop ng kanilang bahay.

'kaw talaga, hindi ako kasing taas ng bituin na hindi kayang maabot, na natatanaw mo lang. Hindi din ako kasing lawak ng kalawakan para hindi mo mahanap.

Pero para sa akin, bituin ka, dati, natatanaw lang kita, at sa linawak-lawak ng kalawakan, nakita kita. Wala na akong kailangan hanapin, nandyan ka na eh.

Salamat.

Ako dapat.

Ako nga sabi eh.

Okay, ikaw na nga. Ikaw talaga.

Maraming salamat.

Unti-unti niyang inilapit ang kanyang mukha sa akin. Nagdampi ang aming mga labi.

Nakita ko ang ngiti sa kanyang mga mata, ngiting nagsasabing masaya ako't nandito ka sa tabi ko. Ngiting nagpapahiwatig ng pagmamahal.

Huwag mo akong iwanan ha? Lagi ka lang sa tabi ko.

Kahit na malayo ako, masisilayan mo pa din ako, bituin ako di ba? Ako yun oh! sabay turo sa pinakamaliwanag na bituin.

Ngumiti siya.

Sa tuwing malulungkot ka at hinahanap mo ako, tumingin ka lang sa langit, hanapin mo ang pinakamaliwanag na bituin, dahil ako yun, nagbabantay sa iyo.


Isang ngiti lang ang sinagot niya sa akin. Kuntento na ako dun. Masaya na akong malaman na masaya siya. Kahit ako ang kanyang bituin, siya naman ang araw na nagbibigay liwanag sa madilim kong buhay.

Siya ang dahilan kung bakit sa aking bawat paggising ay ngiti ang makikita sa aking mukha.

Masaya ako, sambit ko.

Ako din, masaya ako.

Dahil nandito ako?

Oo, dahil nandiyan ka sa tabi ko, nandiyan ka para punan ang mga pagkukulang ko, nandiyan ka para mahalin at unawain ako. Nandiyan ka para tanggapin ang pagkakamali ko...

11.7.10

21.

bente-unong bagay na tungkol sa akin.

1.   Isa akong tulog mantika. Kahit na naka-set na yung phone ko na mag-ring ng ilang beses (one hour
      interval) hindi ko siya naririnig kahit na katabi ko lang ito matulog. Maximum volume na yun ah.

2.   Takaw-tingin akong tao, yung sa tingin ko ay mauubos ko siya ng isang upuan hanggang sa
      mabusog na lang ako at hindi ko pa siya nauubos.

3.   Matagal din akong kumain, gusto ko kasi yung na-chew ko siya ng husto bago ko lunukin yung pagkain (nung bata daw ako, naka-blender yung mga pagkain na binibigay ni mama, so baka dun ko nakuha yung ugaling yun)

4.   Isa akong tech geek, yung tipong pagkauwi ko ng bahay, eh hindi pwedeng hindi ko mababasa yung mga latest sa gadgets and anything about technology. Lahat na ata ng cellphone reviews nabasa ko na.

5.   Hindi ako OC na tao, pero kung maghahanap ka ng bagay na sobrang organized sa akin, yun ay      yung itunes playlist ko.

6.   Malakas akong magpatugtog, pati kapitbahay pwedeng maki-jamming.

7.   Nakakatulog ako na full-volume ang speaker at sarado lahat ng bintana at pinto, walang bentilador at      naka-comforter pa ako

8.   Gusto ko maglakad ng pagkalayo-layo, yung wala namang gagawin, lalakad lang.

9.   Nag-champion kami sa isang ballroom dancing competition.

10. Mas marami pa ata akong jackets/sweatshirt/cardigans kesa sa mga polo and shirt.

11. Ako panganay sa amin, ako lang naman ang pinakamaliit.

12. Mas gusto ko ang mag-commute kaysa sa mag-dala ng sasakyan na kakarag-karag.

13. Impulsive buyer ako, kaya malala kapag may dala akong pera sa bulsa, tiyak na pag-uwi ko, simot       ito.

14. Balak ko pang kumuha ng isa pang course, interior design o architecture.

15. Hindi pa ako nakaka-nuod ng concert na binayaran ko.

16. Bago ako mag-college, mabibilang lang sa daliri ang mga movies na pinanuod ko sa sinehan.

17. Associated sa brand o produkto ang aking pangalan at birthday.

18. Madali mong makikita ang mood ko, simply by looking at my face.

19. Madalas ako nakakawala ng wallet or coin purse na may malaki-laking halaga ng salapi.

20. Kaya kong kumain lang ng isang beses sa isang araw at manalagi sa kwarto ng isang buong araw.

21. Kinakausap ko sarili ko mag-isa, parang baliw lang.

Ang hirap pala mag-isip ng mga bagay-bagay na tungkol sa iyo, so far yan lang naman naisip ko, next year, i-update ko naman ulit siya, 22 things naman.

20.6.10

Kisses.

Kinuha ko siya, ibinulsa, at umalis na kami.

Hindi ko maitago ang aking kasiyahan pauwi, isa siya sa mga usong-usong laruan nung ako'y nasa ikalawang baitang sa elementarya. Sabik na akong ipakita sa aking mga kalaro ang kulay berde't mababangong kisses.

Gusto ko na siyang makitang nanganganak habang nakalagay sa bulak na nilagyan ng tubig. Naalala ko pa, nakikipag-palit pa ako sa ibang meron nun para magkaroon  ng ibang kulay ang mga kisses. Binubusisi pa ang kakapiranggot at maliliit na kisses para lamang malaman kung buntis na ba ito.

Ipinakita ko ito sa kanya, tinanong ako kung saan ko ito nakuha, sinabi ko na kinuha ko ito sa may counter habang nagbabayad ng mga pinamili, ibinulsa ko ito. Tuluyan siyang nagalit, kinuha ang sinturon at tuluyan akong pinalo, pinagalitan dahil sa pangungupit na aking nagawa, hindi ko alam na nagnakaw na pala ako, ang alam ko sa mga panahong iyon ay libre lamang ito at pwede mong kunin. Nagalit siya, ikinulong ako sa kwarto, walang bentilador, madilim, patuloy ang aking pagtangis, ang walang humpay na pagtulo ng aking sipon, ang basa kong damit na nagmimistulang basahan. May mga bakas ng sinturon sa aking katawan. Natatakot ako, mag-isa lang sa kwartong madilim. Hindi ako pinapalabas hangga't hindi ako nagsisisi. Natatakot ako. Dumating ang aking tiyahin, siya ang nagpunas sa basa kong katawan na dulot ng init at pawis. Mula nuon, natuto na ako, ayaw ko na bumalik sa madilim, mainit at nakakatakot na kwarto.


Madalang lang namin siya makasama, dalawang buwan lamang siya nananatili at ang sampung buwan ay iginugugol niya sa iba't ibang parte ng mundo, tahimik, nangungusap ang mga mata, ngunit kung magalit ay matindi. Kuripot, siya ang aming taga-luto.

Siya ang gumigising sa amin sa tuwing linggo ng umaga, magpapatugtog siya sa radyo ng kanyang paboritong istasyon, mga makalumang kanta, napakalakas, kahit buong eskinita sa amin ay maririnig ito. Sa kanya ko nakuha ang pagpapatugtog na pagkalakas-lakas. Isang utos lamang niya, susundin na. Siya ang tiga-ayos ng mga sirang gamit dito, mga electric-fan na hindi na gumagana, mga tukador na hindi maisara ng maayos.

Minsan, habang ako'y natutulog, tumabi siya sa akin, niyakap niya ako. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Naramdaman ko din ang kanyang yakap. Yakap na nagsasabing nandito lang ako, mahal kita. Napaka-kakaiba ng naramdaman ko, minsan lang siya magpakita ng kanyang nararamdaman. Hindi ko malimutan ang araw na iyon.

Lumaki kaming hindi siya kasama, sa aking graduation ng elementarya at hayskul, wala siya. Laking tuwa ko na lamang na siya ay dadalo sa aking Commencement sa kolehiyo. Masaya ako.

Katulad niya, hindi ko din hayagang ipinapadama ang aking nararamdaman, katulad niya, ang mga mata ko ang nakikipagusap, katulad niya, matindi din ako kung ako'y gagalitin. katulad niya, gustong gusto ko din kumain.

Gusto kong makita niya kung ano ang kaya kong maabot. Gusto kong maramdaman niya na mahal ko siya.

Gusto ko din mag-pasalamat sa kanya. Maraming salamat Pa. Hindi mo man ito nababasa, ito ang tanging maihahandog ko sa iyo.

 Maligayang Araw ng mga tatay.

11.6.10

Overtime.

Simula nung lunes ay OT mode kami. Okay naman, nagbubunga naman yung mga pinag-gagagawa namin. Pero di din okay dahil ako naman ang hindi okay. Nawawalan na ako ng lakas, nanghihina na ako, di na ako makapag-trabaho ng maayos. Marami na din akong nami-miss na mga kaganapan kung saan saan. Di na ako nakakagala.

-----------------------------------

Nag-overtime na ata talaga ako sa paglalaro, pakiramdam ko ay kailangan ko na mag-seryoso naman kahit papaano. Sabi nga nila, I'm a happy-go-lucky guy, kaladkarin, go on with the flow, pero mahirap din naman na lagi ka na lang ganun, walang seseryoso sa iyo, iisipin na lang nila na game ka lang at walang focus. Impulsive pa ako, moody, transparent, san ka pa?


-----------------------------------

isang tanong:


sino pipiliin mo? si persistent lover na gagawin lahat makasama ka? or si hard-to-get one, na gustong-gusto mo pero hindi ka pa niya gustong-gusto?


sino ka sa dalawa? si persistent lover? o si hard-to-get one?

12.5.10

Nine.

Late post.

Pumunta ako kasama si Mama at si Lola sa presinto para bumoto sa halalan 2010, una, hinanap pa ulit yung cluster number ko dahil hindi na gumagana yung comelec site nang tignan ko ito, pangalawa, ang init ng panahon, pangatlo, ang gulo-gulo dun sa eskwelahan.

Sinamahan muna namin si Lola para hanapin ang presinto niya at para makaboto, habang bumoboto siya, pumunta muna ako sa cluster namin kung saan ay kumuha ako ng number, nasa 640+ na yung nakuha ko, samantalang ang tinatawag pa lamang na numero ay nasa 120+ at alas dose na ng tanghali. Pagkatapos bumoto ni Lola, umalis muna kami at kumain, pagkatapos kumain ay nag-grocery pa kami, at pagkatapos nun ay umuwi muna ng bahay, at nag-ayos din ng mga pinamili.

Bandang alas kwatro na ng napagpasyahan naming bumalik sa eskwelahan. Pag-dating namin, number 175+, wow ah, wow lang, halos tatlong oras na kaming nawala at ganun pa din ang usad ng pagboto? Naghintay kami ng naghintay, hanggang sa magutom na lang ulit ako at hanggang sa ma-empty battery na yung cellphone ko, hanggang sa nagsi-alisan na ang ibang mga tao. Time check, 8.30 tik tok tik tok tik tok time check 8.45 tik tok tik tok tik tok, number 640, ayan na, ako na ang tatawagin, nakapasok na ako dun sa presinto, at naghintay ulit, tik tok tik tok tik tok, 9.00pm, syempre nauna si mama, at syempre pa nung hinahanap na siya, wala dun yung pangalan niya, hindi siya dun naka-register, sa ibang presinto siya.

Ako na, pangalan, pirma, kumuha ng balota at marker, umupo sa silya, kinuha ang listahan sa lotto, tumaya...
tapos na tumaya, inihulog na ang balota, engg, engg, engg, CONGRATULATIONS, your vote has been counted.
Naks naman, nakaboto ako pagkatapos ng siyam na oras na paghihintay...

Na-realize ko lang, na kahit na sobrang init, na sobrang tagal ng pila, ay nagtiyatiyaga pa rin ang mga tao upang makaboto lamang, umaasa sa isang bagong Pilipinas, sa isang bagong pamamahala. Sana lamang, kung sino man ang nakaupo na sa Malakanyang ay magampanan niya ang kanyang tungkulin dahil hindi magtiya-tiyaga ang mga tao na pumila at tiisin ang init at gutom kung hindi sila nagnanais ng pagbabago.


5.5.10

Lost.

Have you ever been so lost
Know the way and still so lost
Another night waiting for someone to take me home
Have you ever been so lost

-LOST (Katy Perry)

Nawawala ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Maraming mga bagay ang gumugulo sa isipan ko. Mabibilis at hindi inaasahang pangyayari ang isa-isang dumadating. Hindi na kinakaya ng katawan ko, hindi na kinakaya ng utak ko.

Malapit na akong sumabog. Nauubos na ang lakas ko.
May gusto akong gawin, ang maghahanap ng ibang gagawin.

Kung kaya lang mawala ang lahat ng ito sa isang sigaw lang, ginawa ko na.
Kung kaya lang mawala ang lahat ng ito sa isang iyak lang, ginawa ko na.
Kung kaya lang mawala ang lahat ng ito sa isang tulog lang, ginawa ko na.

Ngunit hindi kaya, oo, mababawasan ito, ngunit pagkatapos kong sumigaw, umiyak at matulog, ano ang mapapala ko? ano ang mangyayari? makakabalik na kaya ako?

Ang sarap siguro mawala lang ng isang araw, hindi magpaparamdam sa kahit sino man, at gawin ang mga gustong gawin, wala lang akong lakas ng loob. mahina pa ako. takot.

kailangan ko magipon ng sapat na lakas ng loob para humarap sa ibang mundo. kailangan kong makilala lalo ang sarili ko. nawawala talaga ako.

Sana, mahanap ko na ang hinahanap ko.

4.4.10

Option.

Alam mo ba yung pakiramdam na ang gulo-gulo na ng paligid mo? Ang gulo-gulo na ng buhay mo, pero kailangan mo ng isang sagot sa lahat ng bagay na gulong-gulo ka na? Ang gulo, di ba?

Pero ganyan talaga, hindi naman talaga simple ang buhay, hindi ito isang deretso at patag na daan kung saan ay "smooth" lang ang iyong paglalakbay. Maraming "humps and bumps", may mga excavation sites pa na madadaanan, may mga "batik-batik" na madadaanan, pero meron din namang katulad ng expressway kung saan ay walang "heavy-build-up" ng traffic, pwera na lamang kung masiraan ka sa daan, malala yun! Pero kapag nasiraan ka, marami din naman ang nais at pwedeng makatulong sa iyo, meron din namang dadaanan ka lang at di ka papakialaman.

Minsan naman, dadaan ka sa U-turn pero di ka pwede mag-right or left turn. Pwede din naman na bawal ka mag-U-turn at pwede naman ang right turn or left turn, depende na sa iyo yan kung saan ka mas komportableng dumaan at kung kabisado mo ba ang daan, pwede din namang straight ahead lang di ba? Pwede ka din namang mag-short-cut kung pagod ka na, may long-cut din kung gusto mo na mahaba-haba pa ang paglalakbay mo. Minsan naman, maliligaw ka, di mo alam kung mag-u-turn ka, mag-left, mag-right or straight ahead lang, di ka pwede mag-short-cut kasi nga di mo alam ang daan, pero pwede ka mag-long-cut, kasi nga di mo alam ang daan, kaya lakbay ka lang ng lakbay. Sa paglalakbay mo, marami kang mapagtatanungan, marami kang makikilala sa bawat stop-over mo, dahil gusto mo magpahinga, dahil kailangan mo magpa-gas, at dahil kailangan mo din kumain. Sa mga makikilala mo, meron pwedeng maki-hitch sa iyo at go lang kung saan mo gustong pumunta, sasabay lang siya, "go on with the flow" ika nga nila. Meron din namang magpapahatid lang at iiwanan ka din nila, meron din na susundan ka kung saan ka pupunta.

Alam mo ba yung pakiramdam na ang gulo-gulo na ng paligid mo? Ang gulo-gulo na ng buhay mo, pero kailangan mo ng isang sagot sa lahat ng bagay na gulong-gulo ka na? Ang gulo, di ba?

Dahil marami kang options na pwedeng pagpilian, wala naman talagang "no choice" eh, dahil choice mo na din yun, pinili mo na din yun dahil ayaw mo na mag-isip ng ibang paraan para sa problema mo. Walang taong nauubusan ng pagpipilian, may mga tao nga lang na pinipili na lang ang hindi pumili sa listahan ng pagpipilian. Pwede naman siyang pumili ng branded, pwede din rip-off, meron din namang generic, at meron din namang second-hand, minsan pa nga nth hand na eh. Nasa nagdadala din naman yan, kung ano ang mas komportable siya at kung saan siya magiging masaya.

Alam mo ba yung pakiramdam na ang gulo-gulo na ng paligid mo? Ang gulo-gulo na ng buhay mo, pero kailangan mo ng isang sagot sa lahat ng bagay na gulong-gulo ka na? Ang gulo, di ba?

This or that? Dahil sa dami ng options mo, mahirap na din talagang pumili, minsan gusto mo both, kung kaya mo naman, why not? Pero kung isa lang, kailangan ng mataimtim na panalangin at isang matalinong pagiisip. Minsan naman, kung ano yung una mong nakitang maganda, minsan kung ano yung sa tingin mo ay maraming pag-gagamitan, minsan kung ano na lang dun ang kunin mo, at kung ano sa tingin mo ang makakapagpasaya sa iyo.

Alam mo ba yung pakiramdam na ang gulo-gulo na ng paligid mo? Ang gulo-gulo na ng buhay mo, pero kailangan mo ng isang sagot sa lahat ng bagay na gulong-gulo ka na? Ang gulo, di ba?

Sa dami ng pagpipilian mo, ang mahirap pa doon ay ang hinahanap mong specs, minsan kasi mas madaming features ang isa, pero aesthetic-wise, di ito maganda, minsan naman best-of-both-worlds, maganda na, feature-rich pa, san ka pa? Pero dahil best-of-both-worlds ito, mas mahal kaysa sa onti ang specs pero maganda (medyo may kamahalan din ito dahil ang binayaran mo na dito ay ang aesthetic value niya, "designer's choice" kumbaga), at di maganda pero okay ang specs and features niya. Ngayon, ikaw na ang pipili kung ano talaga ang gusto mo.

Alam mo ba yung pakiramdam na ang gulo-gulo na ng paligid mo? Ang gulo-gulo na ng buhay mo, pero kailangan mo ng isang sagot sa lahat ng bagay na gulong-gulo ka na? Ang gulo, di ba?

Nasa sa iyo na iyan kung ano ang makakapagpasaya sa iyo, kung ano ang mas komportable ka at kung ano ang ikakabuti mo. Tandaan mo na lamang na lahat ng bagay ay maraming pros and cons, ang positive at negative side nito. Ikaw na din ang magdadala niyan dahil ikaw ang pumili.

25.3.10

Weng weng.

My boss and I were talking about drinks at napagusapan namin ang mga cocktail drinks, she told me about this pop-icon in the late 70's to early 80's kung saan nanggaling ang weng weng drink. Enjoy! :)





From Wikipedia:

"Ernesto de la Cruz (September 7, 1957 — August 29, 1992), better known as Weng Weng, was a Filipino actor and martial artist. Only 83 cm (2 feet, 9 inches) tall, he is listed in the Guinness World Records as the shortest adult actor in a leading role.[1] He played Secret Agent 00 in For Y’ur Height Only [2] and The Impossible Kid[3][4][5] and also starred in the western "D’Wild Wild Weng"."

16.3.10

Rondalya.

Isang kaluluwang naghahanap ng aliw
sa saliw at indak ng rondalya
at magpapasayaw sa kanyang nangungulilang puso.

At sa bawat pagkalabit ng mga kwerdas
ay ang muling pag-gising
sa kanyang malikot na utak

Nangangarap na isang araw
kanyang muling matatamo
ang musikang kanyang
ninanais na muling marinig.

12.3.10

Question.

Ngayon lang ako nagtangkang magsign-up dito.

Curious lang ako. Wala lang.

Isang tanong, iba't ibang posibleng kasagutan. 

:)

24.2.10

Forever.

Is forever enough?
Is forever really what you need?
Is forever really means forever?


Or what you need is security?


_________________________

14.2.10

143.


I don't quite know
How to say
How I feel

Those three words
Are said too much
They're not enough

-Chasing cars (Snow Patrol)


HAPPY VALENTINES. :)

31.1.10

DUI.




Driving along Aurora blvd. under the influence of alcohol and trying to overtake a trailer truck is not a good idea, masyadong malaki ang truck para i-overtake at masyadong maliit ang kalsada para ipagsiksikan ang kotse. That's why you have a driver, to drive you home safely without any mishaps along the way. It is good that you're able to maneuver the car before it hit anything or anyone, although sumabog yung gulong mo at nasira yung mags at kailangan pa ipa-vulcanize ang spare tire somewhere in project 4 at mahirap maghanap ng 24hrs na vulcanizing shop ah.

Hay. Ayaw ko na nga ipilit na mag-drive ng sasakyan, lagi na lang may nangyayaring kabalbalan kapag ako ang nagdadala nun. Parang ayaw sa akin nung kotseng yun, kung hindi ako natitirikan, nawawalan ng andar yung makina, naliligaw, at kung anu-ano pang pangyayaring maari mo nang maisip, parang nangyari na sa akin, and the latest, kamuntik na ako makabangga!

Charge it in experience, but next time, be more cautious while driving and be more aware of anything that's happening around you. Or better yet, don't drive kaya ka nagdala ng driver!

What a lovely way of ending the first month of 2010. Grabe.

22.1.10

Mascot.

Ang tao ba sa loob ng mascot, kapag nagpakuha ka ng litrato kasama siya, nakangiti rin kaya siya?  O hindi dahil sa sobrang pagod at bigat ng suot niya?

Ang tao ba na nagpapakuha ng litrato kasama ang mascot ay masaya? O sa kabila ng kanyang pilit na pag-ngiti ay nagtatago ang isang malungkot na pagkatao?


O 'di kaya'y depende din ito sa kanilang pananaw sa buhay?


-------------------------------------

Sa kabila ng kanyang mga ngiti,
ay nagtatago ang isang alaalang
nagbibigay ng pait sa kanyang mga labi.

Sa kabila ng pait ng alaala ay
isang taong nagbigay sigla at kulay
sa kanyang buhay.

Sa kabila ng pagtatago
sa isang pagkataong hindi kanya,
ay isang taong nangangarap.

Sa kabila ng bigat na pasan,
ay isang pag-asang magbibigay
ng ngiti sa kanyang mga labi.

16.1.10

Unexpected.

'Di ko na-foresee na mangyayari sa amin yun'

I just have to share this conversation over some gin-pom, datung puti or I don't know what it is called. We are arguing about someone who had a break-up with his girlfriend.

'Kung kami talaga, kami talaga hanggang huli...'

That was what he said, but then again, someone had a 'theory' about this. What he said was, if you think that way, then it is okay for you to play around 'cause in the end, you'll end up to be with her. And it is okay because you are confident enough that she will just understand what you had done wrong.

-------------------------------------------

Minsan talaga, sa sobrang paniniwala natin sa pagmamahal o kahit sa anumang bagay, di na natin nakikita kung ano ang tama at ano ang mali, ang nakikita natin ay kung ano ang gusto nating gawin sa kasalukuyan at di natin nakikita ang magiging epekto nito sa huli. Ika nga nila, "nasa huli ang pagsisisi", gasgas man na kasabihan ngunit ito pa rin ang sasabihin at sasabihin ng kung sinuman ang nagsisi sa mga bagay-bagay na kanyang nagawa na nila. Magsisi ka man, ay halos wala ka na mgagawa dito, ang maari na lamang ay ito'y buuin uli. Ngunit di na ito magiging katulad ng dati. Mayroon ng 'caution' sa bawat kilos at galaw mo. Di na buo ang pagtitiwala mo sa isang taong minsan ay nagawa kang lokohin o pagtaksilan. Masarap isipin na sa kabila ng kalokohang ginawa mo ay tinanggap ka pang muli na iyong minamahal, ngunit masakit isipin na sa bawat kilos at galaw mo ay may mga matang sumusunod dito upang pagsabihan ka at ipaalala ang anumang sakit na idinulot nito. Para bang bilanggo ka na sa iyong nagawang kulungan. Ang kulungan kung saan bawat kilos at galaw ay minamasid. Na sa bawat kilos mo ay may katumbas na puntos upang matanggap kang muli.

Kung mahal mo ang isang tao, magagawa mo bang magsinungaling at pagtaksilan siya? Magagawa mo bang lahat ng kanyang pagsusumamo ay iyong gagawin? O magagawa mo bang tanggihan ang kung ano mang bagay na kanyang hinahangad at iparating sa kanya na di sa lahat ng panahon ay maari mong makuha ang gusto mo?

Sa laro ba ng pagibig, kailangan ay isang team kayo upang mabuo ang isang stratehiya kung saan kayo ay magwawagi? O ang kailangan mo ay ang isang taong naniniwala sa iyong  kakayahan?

14.1.10

Late.

NOON (School)

7:30 earliest schedule. plus 15 minutes 'grace' period (depends on how long the subject will be)
------------------------------------
6:00 Check Phone. 5 mins.

6:10 Wake up. Have to finish some works.

6:20 Done with works.

6:30 Eat. Fix myself.

6:45 Get out of the house.

6:50 LRT 2 Anonas Station.

7:15 LRT 2 Legarda Station. Pedicab.

7:20 P.Noval, Beato. / Lacson, Eng. Bldg. Late.

7:30 Start of class.

Buti na lang at di ako na-FA (failure due to absences) at naka-graduate ako in time.
Talagang sakto lang ako sa oras, o di kaya ay late talaga ako. Pinipilit kong baguhin.



NGAYON (Work)

8:30 - start of work. plus 15 minutes 'grace' period.
-----------------------------------------
7:00 Check the cellphone. Maaga pa. 15mins.

7:30 Wait. Additional 5mins.

7:45 Wake up! Wake up! Too sleepy.

8:00 wake up. fix myself.

8:30 drink milo. get out of the house.

8:45 LRT 2 Anonas Station.

8:50 MRT 3 Araneta-Cubao Station.

9:20 MRT3 Ayala Ave. Station.

9:40 Sign-in. Work. Late. Bawas sweldo.

Salamat na lang at wala pa ako memo, good-luck sa evaluation.
Tulog mantika. Di uubra ang alarm ng cellphone. Di din uubra ang panggigising ng magulang. wala din kwenta ang text o tawag. Basta kapag kumakanta na ang subconscious mind ko, time to wake up. Weird ba? Parang may sariling playlist ang utak ko, kusa na lang may maiisip na song for the day, yun na ang alarm ko para gumising.

Wake me up.

7.1.10

Time.

How come you don't make time for me anymore
That's the last thing she said to you
And now when you call she don't answer anymore
Or the line is busy and you can't get through

Time (Ne-Yo)

________________________________________________


Can we just buy some time to finish what has to be done?

Or we just have to let it pass through and deal with it?

And isn't it unfair for the one who is battling with time?

________________________________________________

Kung pwede lang naman talagang bilin ang oras, ginawa ko na, kahit mamumulubi na ako.
Pero hindi eh, kaya kailangan kong harapin ang magiging resulta nito.

3.1.10

Cookies.

I already knew what would happen after he gave me the last piece of oatmeal raisin cookie, yet I decided to stay. I was wondering , what will happen next? Will he be able to talk about 'us'? Can we resolve our problems? The conflict between us? These are the questions running on my mind. He utter some words, I couldn't understand.

I was like one of the character in a drama series, I am the girl who truly loves him, but he, on the other hand doesn't. It was a roller coaster ride between the two of us. But between what he was saying and what was worrying me, only some words caught up my attention, 'I love you, but...',

I bite the last oatmeal raisin cookie that he gave me, now, I was the one who is watching a movie or a drama series. I was like, what? what if? what will he say after the but? what will happen next? so many questions, only him could answer.

He then continued, 'I love you but, I was in love with somebody...'.

At first, I was shocked, but then again, I thought of a typical movie, he loves somebody else, better than me, and then he continued.

'...and he was a guy."

And right there and then, the oatmeal raisin cookie that he gave me fell on the floor. I cannot utter a single word, I couldn't even react, I was shocked.

The guy whom that I loved more than my life, love someone, not a girl, but a guy. I stand where I am sitting, saying no words on my mouth, I left him and inch by inch I walked away.

----------------------------------------------------------------------------

An entrance exam entry for a literary org. They provided the first and last sentence and it is up to you on what will happen to the story.

2.1.10

Me.


This is a representation of me.


Boy, ilang taon ka na?
Sigurado kang college ka na? Mukha ka kasing highschool student eh.
Talaga? Graduate ka na? Parang kailan lang ah.
Bouncer sa bar: (Lumapit sa pwesto namin) Bakit may minor dito?
Bouncer sa bar: (magkaibang bar) Ilang taon ka na?

I'd like to take those comments above as a compliment. Pero minsan, mahirap din talaga. Mukha talaga akong totoy, kahit na magpatubo pa ako ng goatee, minsan wala talagang sumeseryoso sa akin. Sa tindig ko pa naman, di maiiwasang mapagkamalan akong totoy, minsan nakakainis, minsan okay lang, minsan masaya, lalo na't nakakakuha ka ng freebies at discount o kung anu man sa kung saan dahil mukha ka pang college student, at sa linya ng trabaho ko, di talaga pormal ang mga tao kahit sa pananamit.

Pero minsan, may mga bagay-bagay na nalulusutan ko dahil sa pagiging 'totoy' ko. Mas malalaki/matatangkad pa nga yung mga kapatid ko, kahit na ako yung panganay, badtrip pag sabay-sabay kami lalabas ng bahay.

Pag nakita niyo ko sa daan, na halos ganyan yung itsura, malamang ako yun. Diyan lang ako sa tabi-tabi, makikita kung saan-saan. Minsan masaya, minsan masungit (lalo na pag gutom), minsan suplado (most of the time). Makikita niyo ko na may dala-dalang backpack na walang laman kundi jacket at wallet.

See you when I see you.

1.1.10

Twenty-Ten.

A fresh new start of old ways?

Sa napansin ko, walang masyadong putukang nangyari sa pagsapit ng taong twenty-ten (o baka dito lang sa lugar namin). Usually pagdating ng bagong taon, dito sa itaas ng bahay namin, puro usok na lang ang makikita't malalanghap mo, pero 'di nangyari ang inaasahan ko, walang masyadong ka-boom, walang masyadong boom boom boom, walang masyadong zzzzzoooooooooommmmm-----boooomm!, at higit sa lahat, di ko na masyadong makita ang magagandang fireworks display mula sa araneta, sa eastwood, sa marikina, at sa kung saan pang lupalop, dahil may nakaharang na, yung mga bahay-bahay dito sa lugar namin nagsi-taasan sila. Anyway, year of the metal tiger na, wala lang, gusto ko lang sabihin.

Sa tingin ko, bagong simula na talaga, nagbabagong buhay na ang mga tao. Teka, di pa pala, dahil yung kapitbahay namin, bagong taon na bagong taon, ayun, nakikipagaway sa asawa niya, ang lakas ng boses, di tuloy makatulog mga tao dito sa amin.

A fresh new start of old habits?

Isa sa mga habit ko eh magbasa ng mga blogs, gadget blogs, personal blogs, at kung ano pang pwedeng basahin at mga pwedeng ma-click na mga links, kahit na nga minsan ay inaantok na ako at pagod dahil sa OT=Ty (but still happy 'cause of foods!) na work, di ko pa rin maiwasang di humarap sa tapat ng monitor at magbasa pagkauwi ko sa bahay.

Masaya kasi magbasa ng mga blogs, dito, nakakapulot ka ng mahahalagang aral, nakakapag-share ka ng ideas, nakakapag-komento ka, nailalabas mo ang kung ano mang damdamin/dinadamdam mo, at nakakakilala ka ng iba't ibang uri ng tao, iba't ibang personalidad at karakter.


----------------------------------------------------------------------------

Masaya lang ako, dahil sa pagkakataong ito, masaya lahat ng mahal ko sa buhay, dalangin ko lang na sa bagong taon na ito, maging ganap pa ang pag-unawa namin sa isa't isa, maging maayos ang mga di pagkakaintindihan, at sama-samang harapin ang laban ng buhay. Iba ang pagsalubong namin sa taong ito, ibang iba sa aking inaasahan, at masaya ako.

Sana sa taong twenty-ten, mas maunawaan ko pa ang takbo ng buhay.

----------------------------------------------------------------------------


Sabi nga ng kaibigan ko, "you can be experienced but not mature, but you can be mature without that much experience." 

I may not be experienced enough to deal with life, but I know that I can be mature enough to know what life means.